Fri. Feb 13th, 2026

HINAMON ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga nag-aakusa sa kanya na sangkot siya sa P100-B insertion sa 2025 national budget na sampahan na lamang siya ng kaso upang masagot niya ng tama.

“Hindi ko na kailangan ipaliwanag pa yan dahil wala talaga akong kinalaman tungkol sa budget. Kung may mga tao na gusto akong i-implicate dyan, itigil nyo na yan. Idemanda nyo na lang ako para sagutin ko ng tama. Kasi right now puro innuendo, puro mga pasaring,” sabi ni Bersamin sa phone patch interview sa kanya ng Malacanang Press  Corps.

Kung may ebidensya aniya laban sa kanya, patunayan na lamang at hindi idaan sa tsismis dahil mabilis makasira ng pagkatao ang social media.

“Di maganda yan. Justice ako dati. Wala akong iskandalo,  kahit ng kalokohan.  Ngayon pa na Executive Secretary ako, idadamay nyo ako sa ganyan, idadawit nyo ako. Patunayan nyo na lang yan kung may patunay. Kung chismis lang, huwag naman.Dahil sa social media napakabilis na makasira,” giit ni Bersamin.

Sakaling may ebidensya aniya si Senate President Pro Tempore Sen. Ping Lacson laban sa kanya , igagalang niya ang deklarasyon ng senador ngunit kailangan mapatunayan ito sa hukuman.

“If Sen. Lacson has the evidence, we will respect his declaration there.Pero sa tingin ko lang, kung batay lang sa mga kwento ni Zaldy Co at ni Bernardo, hindi ko pwedeng sabihin na naniniwala akong agad. Alam mo, naging judge at abogado ako , naging judge ng matagal,  itong mga bagay na ito, paratang na ganito should ultimately be established in court,” paliwanag niya.

“Dapat guarded naman para hindi masira ang reputasyon ng mga tao.”

Muling nilinaw ni Bersamin na hindi siya kusang nagbitiw bagkus ay kahapon , Martes, lamang niya isinumite ang kanyang resignation letter taliwas sa inanunsyo ni Palace Press Officer Claire Castro noong Lunes ng hapon na nagbitiw siya “out of delicadeza.”

“I resigned out of delicadesa. Masarap pakinggan ang out of delicadesa. Pero di naman totoo yan, di ako nag-resign.The only letter I sent regarding my position na wala na was that letter I signed yesterday late afternoon na sinabi ko I bow to the prerogative of the President,” aniya.

Lunes ng gabi aniya ay nag-usap sila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngunit tumanggi siyang ilahad ang detalye dahil sakop ito ng confidentiality alinsunod sa executive privilege. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *