Fri. Feb 13th, 2026

Kinuwestiyon ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang  hindi pagsama kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga imbestigasyon sa lumalawak na iskandalo ng korupsiyon sa pamahalaan.

Ayon kay BAYAN Secretary General Raymond Palatino, tila may sistematikong pagtatakip upang hindi mabanggit ang papel ng Pangulo sa mga iregularidad.

“The ICI (Independent Commission on Infrastructures), Comelec (Commission on Elections), and Ombudsman are checking the records of legislators, contractors, and DPWH (Department of Public Works and Highways) officials but they have yet to initiate any serious investigation into the role of the President,” sabi ni BAYAN secretary general Raymond Palatino.

Tila aniya may sadyang pagtatangka upang protektahan si Marcos Jr. na siyang nagbalangkas ng badyet, ipinagtanggol ito sa Kongreso sa pamamagitan ng kanyang mga alter ego, lumagda rito bilang batas, at nagpalabas ng pondo para sa mga proyektong nilamon ng korupsiyon.

“Is there a deliberate effort to shield the Chief Executive who drafted the budget, whose alter egos defended it in Congress, who eventually signed it into law, and who caused the release of funds for billions-worth corruption-infested projects?” tanong ni Palatino asked.

Everyone now but Bong Bong

Inirekomenda ng ICI at ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang pagsasampa ng kaso laban sa walong mambabatas na may kaugnayan sa mga kumpanyang nakinabang sa kontrobersyal na flood control projects.

Nauna nang kinasuhan ang ilang opisyal ng DPWH, mga inhinyero, at pribadong kontraktor na sangkot sa pagbibigay ng kickbacks.

Ngunit ayon kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, umaabot hanggang sa pinakamataas na antas ng pamahalaan ang korupsiyon.

Ibinunyag niyang si Marcos Jr. mismo ang nag-utos ng P100 bilyong budget insertions, kung saan mahigit kalahati umano ay naihatid sa tirahan ng Pangulo sa Forbes Park, Makati City.

Kasama rin umano sa mga sangkot ang pamilya ng Pangulo: si Rep. Sandro Marcos na nakatanggap ng bilyon-bilyong halaga ng insertions, si First Lady Liza Araneta-Marcos, at si House Speaker Martin Romualdez na iniuugnay sa smuggling ng produktong agrikultural.

Pagtanggi ng Palasyo 

Matapos ang pagbubunyag ni Co, sinibak ang ilang opisyal ng Palasyo kabilang sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman. Gayunman, itinanggi ng Malacañang ang mga akusasyon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, si Marcos Jr. mismo ang nagpasimula ng imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo, patunay umano na wala siyang kinalaman sa mga paratang.

Ngunit iginiit ng mga mambabatas mula sa Makabayan Coalition na ang mga pondo para sa mga proyektong ito ay nailabas lamang sa pamamagitan ng direktang pag-apruba ng Pangulo, dahilan upang siya ay managot sa graft.

Panawagan ng BAYAN 

Sa kabila ng kabi-kabilang akusasyon, nananatiling tahimik ang mga opisyal na imbestigasyon hinggil sa papel ng Pangulo, ayon sa BAYAN.

“This does not appear to be a mere oversight or lapse of judgement but a calculated act to divert public attention from principal schemers, offer up fall guys to appease the public, and whitewash the system that breeds corruption in order to maintain it,” Palatino observed,” ani Palatino.

Dagdag ng grupo, ang tunay na imbestigasyon ay dapat nagsusuri sa mga rekord ng badyet, sesyon ng Kongreso, at umano’y paghahatid ng kickbacks sa loob mismo ng Malacañang.

Kasabay nito, inanunsyo ng BAYAN na sa darating na Nobyembre 30 ay magsasagawa sila ng malaking protesta upang igiit ang pananagutan ng Pangulo.

Ang November 30 protest anila ay tugon ng mamamayan sa desperadong maniobra ni Marcos Jr. upang takasan ang pananagutan, gayundin sa mapanlinlang na pahayag ni Sara Duterte na siya ang nararapat na kahalili.

Nanawagan ang Bagong Alyansang Makabayan sa taumbayan na magprotesta nang malakihan, ipahayag ang galit laban sa korupsiyon at cover-up, at igiit ang pagbuwag sa bulok na sistemang pampulitika,”pahayag ni Palatino.  (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *