Fri. Jul 5th, 2024

NAGING kontrobersyal ang menu ng China Eastern Airlines matapos ipaskil ng isang pasahero ang menu nito na may nakatalang “dog food” bilang starter o appetizer.

Iniulat ng online news site na The Independent ang ibinahaging larawan ng isang Conrad Wu, umano’y pasahero, sa Facebook ang menu sa business class ng naturang airline.

Kabilang sa business class menu ang beef, seafood, at soup dishes, ngunit isa sa mga starters ay “imported dog food with okra.”

“What exactly is it,” ani Wu sa caption.

Hindi malinaw kung nagkamali sa translation sa English sa menu at wala pang pahayag ang airline sa nasabing isyu. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *