📷: Melvin Alvarez Matibag / FB
Itinanggi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na siya at ang kanyang asawa, si Laguna Rep. Ann Matibag, ang may-ari ng ₱72-milyong mansion sa Estados Unidos.
Mariin niyang kinondena ang mga media outlet na nag-ulat tungkol dito nang walang wastong beripikasyon.
“This is totally fake news so I abhor this kind of behavior. Dapat naman nandito naman yung news network na ‘yan, siguro you have to do something about it or otherwise, I will be the one doing something about it,” ani Matibag sa isang press conference nitong Martes, Hulyo 28.
Giit niya, maling pagkakakilanlan ang nangyari dahil magkapareho ang pangalan ng tunay na may-ari ng mansion at ng kanilang mag-asawa.
Binanggit pa ni Matibag na ayon sa ulat, nakuha ang ari-arian noong 2004, panahong hindi pa sila nagkakakilala ni Ann.
Dagdag pa niya, ang naturang mga ulat ay layong dungisan ang kanyang testimonya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. # (RRN)