Kompiyansa si Department of Justice (DOJ) Secretary Fredderick Vida na nasa loob pa rin ng Pilipinas ang puganteng gambling tycoon na si Charlie ‘Atong’ Ang.
Sa ambush interview, iginiit ni Vida na wala siyang alam kung saan nakuha ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla ang ‘intel report’ na nakaalis na ng bansa si Ang.
Wala pang tiyak na impormasyon aniya na nakalabas na ng bansa ang pugante, base sa record ng Bureau of Immigration (BI).
Kaya’t sa kabila ng pahayag ni Remulla, pinanindigan ni Vida ang paniniwalang nasa Pilipinas pa rin si Ang.
Nilinaw niya na hindi ibig sabihin ay kanyang kinokontra ang pahayag ni Remulla.
Nahaharap si Ang sa mga kasong ‘kidnapping with homicide’ at ‘kidnapping with serious illegal detention’ kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero.
Noon pang Enero 2026 ay naglabas na ng wanted poster at nag-alok na ang Philippine National Police (PNP) ng P10-M reward para sa ikadarakip ni Ang. # ( TAMMY QUIBRAL)