Sun. Nov 24th, 2024

IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Asia-Pacific Center for Security Studies sa Hawaii na ang iconic Pinoy jeepney ay “being heavily modernized” bilang bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaan na tugunan ang epekto ng climate change.

Ayon naman kay Mody Floranda, national president ng PISTON, “kahit pinalitan mo yung sasakyan pero pinatay mo naman ang kabuhayan ng mga Pilipino, nasaan ang pag-unlad doon?”

“Ipinagmamalaki pang December 31 ay deadline lang sa consolidation at hindi phaseout. Eh yung mismong consolidation nga ang matagal na nating tinututulan. Dahil kahit paano pa nila pagbali-baliktarin, ang franchise consolidation ay pang-agaw sa mga indibidwal na prangkisa na katumbas na ay phaseout. Hindi lang phaseout ng sasakyan ang tinutukoy natin dito, kundi phaseout ng kabuhayan.”

Nasa ikatlong araw na ng kanilang transport strike ang PISTON at sumama na rin sa tigil-pasada ang grupong Manibela. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *