Sun. Oct 6th, 2024

 

BINARIL ng isang pulis ang kapwa pulis matapos mahuling nakikipagniig sa kanyang misis na pulis din sa loob ng nakaparadang kotse sa parking lot sa mall sa Laguna.

Sa ulat ng Laguna Police Provincial Office (PPO) nabatid na ang dalawang complainant, parehong pulis, ay nahuli ang kanilang mga asawa na magkapatong sa loob ng kotseng nakaparada sa mall sa Canlubang dakong alas-10 ng umaga noong Abril 25.

Kokomprontahin sana ng complainants ang mga suspect ngunit agad silang itinulak at nagtangkang tumakas.

Binaril ng lalaking complainant ang male suspect na tinamaan sa leeg at balikat, nadakip ng mga rumespondeng pulis sa lugar at dinala sa Global Medical Center Canlubang.

Habang ang policewoman na suspect ay mabilis na nakatakas sakay ng kotse patungong Batangas.

Nagsagawa ng dragnet operation ang mga pulis upang matunton siya. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *