Sun. Oct 6th, 2024

📷 Marian Rivera/FB

Namataan na nagsasanay ng choreography dance ng top hit ng BINI na “Salamin, Salamin” ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera habang hinihintay ang kanyang susunod na take para sa comeback series na “My Guardian Alien”,

Kahit hindi ito ang official dance cover ay pinakita pa din ni Marian ang kanyang galing sa pagsasayaw sa kanyang ipinaskil na video sa kanyang Facebook page,

Ayon sa isinulat na caption sa FB Reels ng aktres, sinabi niyang ““Ayan naman kapag wala pang take, tutorial muna ako ng Salamin,”.

Naging trending sa kanyang TikTok dance cover nitong mga nakaraang buwan ang “Could Be Something” ni Ben&Ben, “Price Tag” ni Jessie J, at “3D” ni Jungkook.

Nag-viral din siya sa pagsasayaw sa kanyang hit song na “Sabay Sabay Tayo” at sa pagsisimula ng bagong trend ng video na matatampok ang kanyang iconic character na “Marimar.”

Tulad ni Marian ay gumagawa din ng sariling pangalan ang BINI sa larangan musika. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *