Fri. Nov 22nd, 2024

HINDI iniaanunsyo ng International Criminal Court (ICC) ang paglalabas ng arrest warrant laban sa sinomang akusado sa kanilang hukuman.

Ayon kay ICC Assistant to Counsel Kristina Conti, naisasapubliko lamang ang arrest warrant kapag ipinabatid sa bansang kinalalagyan ng akusado at sa member countries ng ICC, at kapag naglabas na ng Red Notice ang Interpol.

“As to this arrest, we’ve always maintain that, yes, it is a matter of political will but we appeal on the matter of continuing participation as indicated in the Article 127 of the Rome Statute,” wika niya sa panayam sa ANC.

Sa ilalim aniya ng kasunduan na nilagdaan ng Pilipinas nang sumali sa ICC, obligasyon ng bansa na makipagtulungan kahit na umalis na ito bilang miyembro nito,”you have continuing obligations.”

Giit ni Conti, sakaling ang nakarating kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay isang fair na briefer mula sa Department of Justice kaugnay sa usapin, mababatid niya na may mga obligasyon pa rin ang Pilipinas sa ICC kahit hindi na kasapi ang bansa.

Kinompirma ni Conti na nasa report ng Office of the Prosecutor of the Preliminary Investigation in the request for investigation ang pangalan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Philippine National Police (PNP) chiefs Ronald “Bato” dela Rosa at Oscar Albayalde.

Ang pahayag ni Conti ay taliwas sa napaulat na wala ang pangalan ni Duterte sa alinmang dokumento sa ICC.

May iba pa aniyang  mga pangalan na sangkot sa imbestigasyon ng ICC sa crimes against humanity bunsod ng madugong drug war ni Duterte ang inaasahang  maisasapubliko ng international tribunal bago matapos ang taon. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *