Fri. Nov 22nd, 2024

NEGATIBO ang resulta ng drug test kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong taong 2021.

Kinompirma ito ni Geresza Reyes,isang drug analyst mula sa St. Luke’s Hospital sa ikalawang pagdinig ng Senate Commitee on Public Order and Dangerous Drugs hinggil sa “PDEA Leaks.

“As the analyst po, may lumabas na line. So sa drug test kit po natin, meron doong control line and line for drug analyte. Doon sa resulta may lalabas po dapat siya talaga na line as negative,” saad ni Reyes.

Habang sinabi ni St. Luke’s Medical Center-Global City drug testing laboratory head Dr. Cecilia Lim na lumabas ang resulta ng drug test ni Marcos matapos ang dalawang minuto at limampu’t apat na segundo.

“‘Yung two minutes and 54 seconds po kaya po talaga ng drug testing kit, mabilis po talaga lumabas ‘yung resulta, ‘Yung sinasabi pong five minutes, ‘yun ‘yung maximum time na i-aallow namin na lumabas ‘yung line ng drug test,” ayon kay Lim.

“‘Pag lumabas ‘yung linya negative na kayo. Pero ‘yung nagiintay kayo magappear ng linya, hanggang five minutes ‘yung maximum,” dagdag niya.

Sa totoo, ayon kay Lim, may tsyansang lumabas ang resulta ng drug test sa loob ng apatnapung segundo hanggang limampung segundo.

Inamin ni Lim na si Marcos ay humiling na ang gagawing drug test ay particular lamang sa cocaine.

Inusisa ni Dela Rosa kung bakit sa cocaine lamang isinailalim na drug test kay Marcos at bakit hindi rin subukang isailalim sa iba’t ibang uri ng illegal drugs.

Sagot ni Lim, ang drug test ay ibinibigay naaayon lamang sa hiniling ng isang pasyente.

Ngunit si Dela Rosa ay hindi parin kumbinsido, at iginiit niya: “Lahat ng tao dito sa Pilipinas ‘pag magpa-drug test, hindi naman nagtatanong na i-test ninyo ako sa cocaine, i-test ninyo ako sa ‘shabu’, i-test ninyo ako sa marijuana. Wala.” (ZANDRO SOGO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *