Sat. Nov 23rd, 2024

đź“·Davao City Mayor Sebastian Duterte | inquirer.net

KINONDENA ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang pagsibak sa 35 tauhan ng Philippine National Police (PNP) kabilang ang anim na station commander, at direktor ng lungsod na si Col. Richard Bad-ang mula sa kanilang mga tungkulin.

“This move, supposedly in connection with an investigation into a buy-bust operation, appears to be an abuse of power from higher authorities,” ayon kay Baste sa isang kalatas.

Napaulat na ang pagsibak sa may 40 pulis ay may kaugnayan sa naganap na pagpatay s apitong drug suspects sa magkakahiwalay na anti-drug operations.

Upang mapunuan ang kakulangan sa bilang ng mga pulis bunsod ng sibakan, nagpadala ang PNP ng dalawang batalyon mula sa Special Action Force.

Nanindigan si Baste na ang mga opisyal na idinawit sa patayan ay epektibo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa siyudad, at gaya ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay ipinagtanggol ang anti-drug operations ng mga pulis.

“Furthermore, there is substantial evidence supporting the assertion that the buy-bust operations were conducted within the bounds of the law. Any insinuation of misconduct on their part is unfounded and unjust,” ani Baste.

Giit ni Baste, alinsunod sa  Republic Act 6975,ang mga alkalde ng Lungsod at Munisipyo ay dapat magsagawa ng pangangasiwa at kontrol sa pagpapatakbo sa mga yunit ng PNP sa kani-kanilang hurisdiksyon.

“I oppose any efforts to undermine the hard-earned trust between our community and law enforcement. These recent developments serve as a stark reminder of the dangers of unchecked authority. I call for transparency and accountability in handling this matter and for the immediate reinstatement of the unfairly relieved officers,” wika ni Baste. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *