Sat. Nov 23rd, 2024

📷 Bilateral talks nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Ukraine president Volodymyr Zelenskyy sa Malakanyang | Bayan Facebook page

NANAWAGAN ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na huwag gawin Ukraine ang Pilipinas at huwag maging “Zelenskyy ng Asya.”

Sinabi ito ni Bayan president Renato Reyes Jr. kaugnay sa pagbisita ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa Pilipinas at pakikipagpulong kay Marcos Jr. sa Malakanyang ngayong umaga.

Binigyan diin ni Reyes na ang pagpunta ni Zelenskyy sa bansa ay maaaring nagbabadya na maging isa pang Ukraine ang Pilipinas, isang instrumento na gagamitin para sa inter-imperyalistang tunggalian sa pagitan ng US at China na hindi magsisilbi sa ating pambansang interes.

“Both are pro-US presidents. Marcos wants to be the Zelensky of Asia. Does that mean turning the Philippines into another Ukraine, a mere pawn in the inter-imperialist conflict between the US and China? Such is against our national interests,” ani Reyes.

Isang casualty aniya ang Ukraine sa proxy war sa pagitan ng US at Russia at ang pagpapalawak ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Ukraine ay kabilang sa mga salik na nagpalala ng tunggalian.

Ang NATO  ay isang international military alliance ng 32 bansa mula sa Europe at North America at binuo apat na taon matapos ang World War 2 bilang pantapat sa Soviet armies na nakakalat sa Central at Eastern Europe.

“In Asia, the US and China are also engaged in an inter-imperialist rivalry with the WPS as battleground,” sabi ni Reyes.

Giit niya, dapat na matuto ang Pilipinas sa karanasan ng Ukraine, mag-ingat na magamit ng US at kailangan tanggihan ang lahat ng pagtatangka ng Amerika na gawin outpost nila ang Pilipinas.

“If the Ukraine experience teaches us anything, US war provocations and escalation of tensions will not be in our national interest,” wika ni Reyes.

Kailangan aniyang manindigan ang Pilipinas laban sa China ngunit dapat din tanggihan ang mga probokasyon sa digmaan ng US at paglala ng tunggalian.

“End US intervention and domination in the Philippines,” sabi ni Reyes.

Ang pagbisita sa bansa ni Zelenskyy  matapos ang sorpresang pagpunta sa IISS Shangri-La Dialogue kamakailan sa Singapore upang manawagan ng suporta sa Asya para sa Global Peace Summit na gaganapin sa Switzerland ngayong buwan ng Hunyo. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *