“KAKAMBAL” ng lahat ng uri ng transnational organized crime ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) kaya’t ito’y malaking banta sa pambansang seguridad ng Pilipinas, ayon sa opisyal ng Presidential Anti-Organized Crime Commission.
“Hindi maitatwa na kung ano ang malaking problemang idinudulot nitong mga POGO na ito. There are so many associated organized crime as soon we talked about POGO, we talked about them trafficking, with talk of human trafficking, with talk of gun running, we talked about of just about any type of transnational organized crime,” sabi ni Dr. Winston John Casio, tagapagsalita ng PAOCC sa panayam ng programang Sa Totoo Lang sa One PH.
Ito aniya ang dahilan kaya’t mahigpit ang tagubilin ni PAOCC Chairman at Executive Secretary Lucas Bersamin na maging alerto sa mga posibleng paglabag sa batas na ginagawa ng mga illegal POGO hubs.
Para kay Casio, hindi na dapat tawagin POGO hubs ang mga ito kundi scam hubs o scam farms bunsod ng mga kaakibat sa operasyon nitong banta sa national security.
“I don’t call them POGO hubs anymore, they’re scam farms, they’re scam hubs. So there are many underlying threats national security threats therein,” ayon kay Casio.
Hinayaan aniya ng administrasyong Duterte ang pagdagsa sa Pilipinas ng online gaming hubs at maraming Pinoy ay nagkaroon ng trabaho kaya’t kailangan isaalang-alang ang kabuhayan na mawawala kapag ipinatigil ang operasyon ng POGO at ihanda sila bagong magiging trabaho.
“There are many policy considerations and economic considerations therein. Tandaan po natin na ang dating administrasyon ay pinayagang pumasok at magkaroon ng influx ng mga online gaming hubs dito sa Pilipinas. It has created multiple industries so to speak upon which so many Filipinos derived their livelihood po so we need to take that into consideration… how we will be able to help them transition into another type of livelihood,” paliwanag ni Casio. (ROSE NOVENARIO)