đˇAtty. Mel Sta. Maria
ILLEGAL ang Memorandum No. 52 na inilabas ng Palasyo kahapon na nag-oobliga sa mga ahensya ng pamahalaan at pampublikong paaralan na kantahin ang âBagong Pilipinasâ hymn at bigkasin ang Pledge sa lingguhang flag ceremony, ayon kay Atty. Mel Sta. Maria, dean ng FEU College of Law.
Ang naturang memorandum aniya ay paglabag o lagpas sa mandato ng Republic Act No. 8491 o âFlad and Heraldic Code of the Philippines.â
Wala aniyang nakasaad sa batas na may kapangyarihan ang Office of the President na lumikha ng isang bagong âhymn at pledgeâ o magdagdag ng anoman sa flag ceremony at utusan ang mga mamamayan na kantahin at bigkasin ito sa seremonya.
Ang bawat bahagi aniya ng RA 8491 ay tumutukoy sa watawat, ang seremonya kaugnay sa bandila, at ang isang seksyon nitoây nagsaad na bigkasin ang Pledge of Allegiance o Panatang Makabayan.
âThe recital of such invented hymn and pledge provided by the Memorandum during the flag ceremony is an undue, ultra vires, and abhorrent addition not allowed by law,â giit ni Sta. Maria.
Lumabag aniya ang Office of the President sa isang batas na sinasabi nitong ipinatutupad. (ROSE NOVENARIO)