Sat. Nov 23rd, 2024

MAY namumuong tensyon o sigalot sa pagitan nina Senate President Francis “Chiz” Escudero at Senadora Nancy Binay na dating Senate Committee Chairman ng Senate on Accounts sa ilalim ng administrasyon ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri.

Ito ay matapos na iutos ni Escudero ang pagpapatigil ng pagpapatuloy ng konstruksyon ng New senate building matapos siyang nakatanggap ng impormasyon na over budget o sobrang gastos ng nasabing konstruksyon.

Si Binay ay pinalitan ni Senador Alan Peter Cayetano na Chairman ng naturang komite na nasa ilalim ang pangangasiwa ng konstruksyon ng bagong gusali ng Senado.

Inakusahan ni Binay  si Escudero na tila umasa lamang ito  sa mga marites at mga bubuyog na bumubulong-bulong sa kanya kesa kinausap siya na dating humahawak ng pagpapatayo ng bagong gusali ng senado upang sa ganoon ay tamang datos at impormasyon ang kanyang naibigay sa bagong lider ng senado.

Hindi tuloy naitago ni Binay na balikan ang 2019 na kung saan si Escudero ay bahagi ng 17th congress na batid niya na Inihayag ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson na naunang pinuno ng komite sa sesyon ng senado na ang 8.9 bilyong piso ay maliwanag na isang Multi-year Obligation Authority (MYOA) na tanging nakalaan para sa paggastos para sa core at shell ng NEW Senate Building samantalang ang gastusin sa interior at fit outs ng gusali ayibang gastusin o hindi kasama sa naunang inilaang pondo.

“Sa totoo lang, nagulat din ako kung saan nanggagaling ang info ni SP Escudero with regard the New Senate Building. Sadly, kung noong una pa man sana ay nagkaroon ng time si SP na magtanong at alamin ang tungkol sa construction developments, sana’y mas naliwanagan siya at nakapagbigay s’ya ng inputs at suggestions kung paano mas makakatipid at ‘di maantala ang paglipat ng Senado sa bagong gusali.,” ani Binay.

Itinuturing din ni Binay na isang fake news ang tungkol sa umano’y three-level basement parking ng Senate building sa Taguig na kung saan titingnan ang design ng gusali ay wala ito.

Ipinagtataka  din ni Binay na noong panahon niya bilang pinuno ng natutrang komite at  opisyal siyang nagpadala ng imbitasyon sa lahat ng senador para isagawa ang occular inspection at one on one briefing para sa progreso at kalagayan  at kung kaialan matatapos ang gusali at iba pang mga impormasyon uko sa New Senate Biilding.

Ngunit nauunawaan ni Binay ang hangarin ni  Escudero na i-review ang gastusin subalit aniya dapat na ito ay madaliin dahil sa ang pagka-udlot ng proyekto ay nangangahulugan ng dagdag na gastusin sanhi ng anumang delay.

“There is a sense of urgency to complete the construction by 2025. Delays would mean cost adjustments, additional charges, penalties, and another round of rental. The Senate cannot afford any set back because each day of delay has cost implications–I agree with SP that we need to look for ways to bring the costs down.,” dagdag ni Binay.

Nanindigan naman si Binay na handa siyang humarap Kung siya ay ipapatawag  anumang oras at sumagot sa anumang katanungan at paglilinaw ukol sa naturang proyekto upang kanilang maberipika ng tama ang kanilang mga impormasyon dahil call at text away lamang naman siya.  (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *