Fri. Nov 22nd, 2024

ISINIWALAT ni Sen. Sherwin Gatchalian na malawak na ang mga galamay ng Philippine Offshore Gaming Operation (Pogo) hubs at umabot na ang impluwensya sa iba’t ibang law enforcement agencies.

Ayon kay Gatchalian, ang kanyang pahayag ay batay sa mga rebelasyon sa ginanap na executive session sa imbestigasyon ng Senado sa operasyon ng illegal POGO hub sa Bamban, Tarlac.

Giit ni Gatchalian, mas kapani-paniwala ang pahayag ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro na maituturing na isang national security concern ang operasyon ng POGO sa bansa.

“Para sa akin hindi to coincidence at para sa akin base sa aking pag aanalisa at sarili kong opinyon. Hindi biglang magically nagkaroon ng Chinese military uniform doon ni hindi coincidence yan, merong connection yan at dapat tignan ng mas malalim kung bakit mayroong Chinese military uniform diyan at ibangga rin natin to sa overall na nangyayari sa ating bansa,” giit ng senador sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One PH.

Kung may kaugnayan man ang nangyayari sa POGO hubs sa usapin ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) at sa natuklasang Chinese military uniform, dapat imbestigahan ng mas malalim ng mga awtoridad.

Nanawagan siya sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan na maging alerto at huwag gamitin “convenient excuse” ang mga katagang “Hindi ko alam.”

“Ang mga local govt hindi pwedeng kampante at patulog-tulog dahil nagiging convenient excuse na hindi ko alam ang nangyayari gaya sa Porac.”

Pinuna rin ng senador ang kapos na pagtutok ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa POGO hubs kaya nalulusutan ng mga illegal na operasyon ng mga ito. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *