Fri. Nov 22nd, 2024

📷ACT Teachers partylist Rep. France Castro

NANAWAGAN si House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa liderato ng Mababang Kapulungan na imbestigahan ang umano’y secret anti-vax campaign ng US laban sa China noong COVID-19 pandemic.

Ang pahayag ni Castro ay kasunod ng inilathalang ulat ng Reuters na nagsiwalat ng umano’y kampanya ng US Pentagon sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19.

“It is imperative that we ascertain the extent of the damage caused by this secret campaign and hold those responsible accountable. The Philippines was one of the areas targeted by this operation, and therefore, it is our duty to safeguard our nation’s sovereignty and protect our people’s health,” sabi ni Castro sa isang kalatas.

Nakasaad sa special report ng Reuters na nagsimula ang anti-vax campaign noong 2020 na kumalat sa Timog Silangang Asya bago ito tinuldukan noong kalagitnaan ng 2021 at gumamit ng kombinasyon ng ng “fake social media accounts on multiple platforms to spread fear of China’s vaccines.”

“Through phony internet accounts meant to impersonate Filipinos, the military’s propaganda efforts morphed into an anti-vax campaign. Social media posts decried the quality of face masks, test kits, and the first vaccine that would become available in the Philippines – China’s Sinovac inoculation,” sabi report.

Kinondena ni Castro ang kampanya ng US government na aniya’y nag-ambag sa pagdududa sa bakuna sa Pilipinas na nagresulta sa pagkamatay ng mga tao.

“The actions undertaken by the US government, as revealed by this investigation, are deeply concerning and demand immediate attention,” sabi niya.

Kaugnay nito, tinuligsa ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang naturang “US covert intervention and psyops.”

Anang grupo, nagtanim ng maling impormasyon ang US Pentagon laban sa mga bakunang Sinovac sa hangaring kontrahin ang impluwensya ng China sa Pilipinas at iba pang mga bansa sa panahon ng pandemya, gamit ang mga pekeng social media accounts.

Ang pagbubulgar ng Reuters, ayon sa Bayan, ay naganap sa gitna ng tumaas na tensyon sa pagitan ng US at China sa bahaging ito ng Asia.

Giit ng Bayan, kung magagawa ito ng US sa panahon ng pandemya, walang makapagsasabi kung ano ang iba pang disinformation psyops na ginawa nito upang hubugin ang opinyon ng publiko na pabor sa US.

“Clearly, the US cannot be trusted because it is only advancing its own imperialist agenda and it doesn’t care whether Filipino lives will be put at risk. In other words, the US doesn’t care if the Philippines becomes another Ukraine, so long as the US gets its war with China. That is the bottom line,” giit ng grupo.

Dapat anilang imbestigahan ng administrasyong Marcos Jr. ang interbensyon na ito at panagutin ang US.

Binigyan diin ng Bayan na kailangan ilantad ang US bilang isang sinungaling na war-monger na nakikibahagi sa pandaigdigang panlilinlang at disinformation para isulong ang mga imperyalistang interes nito.(ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *