Sat. Nov 23rd, 2024

MASINLOC, ZAMBALES—MATAPOS na pagbawalan ng Lokal na pamahalaan ng Masinloc ang kanilang mga mangingisda na pumalaot sa Bajo de Masinloc na bahagi ng Scarborough ay agad na sinakluluhan ni Senate Majority Leader Francis ” Tol” Tolentino sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda sa mga ito sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na mula ang pondo sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Umabot sa halos limang daang (500) na mangingisda mula sa bayan ng Masinloc, Sta. Cruz at Subic ang pinagkalooban ng tig-tatlong libong tulong ang bawat mangingisda ni Tolentino.

Magugunitang nagbanta ang tropang Intsik na simula Hunyo 15, 2024 ay manghuhuli na Sila ng tropang Pinoy na mangingisda na dadaong sa naturang Lugar.

Ayon kay Philip Macapanas, 46 taong gulang sa takot nilang lumaot pa at makulong ay mimabuti na lamang nilang manghuli sa malapit na ating karagatan na lubhang malaking epekto sa kanila.

Si Macapanas ay 12 taon pa lamang ng simulang mangisda at isang kilalang diver Kung kaya’t bihasa na siya sa patungo sa Scarborough Shole.

Sa pahayag din ng ilang mangingisda na sa pagdating pa lamang nila sa 20 nautical miles mula sa Pampanga ay agad na silang sinisita ng mga tropang intsik.

Aminado si Macapanas na ilang mga tropang mangingisda g Pinoy na din ang nakaranas ng binomial water cannon mula sa kamay ng tropang intsik.

Ibinunyag pa ni Macapanas na kinukuha din ng tropang intsik ang kanilang mga magagandang huli at naiiwan sa kanila ang tinatawag nilang basura.

Sinuguro ni Tolentino na hindi dito natatapos ang tulong na kanyang ipagkakaloob sa mga mangingisda.

Tiniyak din ni Tolentino na patuloy niyang ipaglalaban ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea upang hindi lamang ang ating mga mangingisda ang Malaya g makapaglayag o makapaglaot kundi maging ang ating tropang Pinoy ang Philippine Coast Guard ( PCG) na nagbabantay sa ating pag-aari at nagdadala ng suplay sa ating tropa at mga kababayan.

Nakiusap din si Tolentino na bawat mangingisda na ang problema at Laban Nila ay hindi lang para sa kanila kundi sa buong bansa bilang mga Filipino na dapat ay nagkakaisa.

Nanawagan din si Tolentino sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na mag-isip ng pansamantalang alternatibo g kabuhayan ng mga mangingisda habang hindi na natatapos ang usapin at problema sa WPS.

Si Tolentino ang pangunahing may-akda ng panukalang batas na Philippine Maritime Zone Act at siya din ang Chairman ng Special Committee on Maritime and Admiralty Zone.

Sa isang panayam naman kay nanay Milagros na isang tindera ng is da sa palengke ay Aminadong wala na silang itinitindang mga isdang tanging nahuhuli lamang sa WPS simula ng hindi na maglaot Doon ang mga mangingisda.

Idinagdag pa ni nanay na hindi din pare-pareho ang kanilang kinikita na sa kasalukuyan ikumpara noong araw. (NIÑO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *