📷PTV General Manager Antonio Baltazar “Toby” Nebrida
KINIKILALA ng bagong talagang acting People’s Television (PTV) General Manager Antonio Baltazar “Toby” Nebrida Jr. ang kahalagahan nang paghahayag bilang bahagi ng umiiral na demokrasya sa Pilipinas.
Pahayag ito ni Nebrida kasunod ng pagbibigay ng suporta ng PTV Employees Association (PTEA) sa dating general manager ng state-owned network na si Analisa Puod.
“I will work with them. If there are any objections, I will listen. Bahagi ng ating lipunan, ng ating demokrasya ang paghahayag,” ayon kay Nebrida sa panayam ng Palace reporters.
“It’s ironic if I will not, as head, of the National Broadcasting Network, not to allow people to air their grievances, legitimate or otherwise,” dagdag niya.
Nagpasalamat siya sa ibinigay na tiwala sa kanya ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr. para pamunuan ang PTV.
Para kay Nebrida , isang pagbabalik sa kanyang tahanan ang pagtalaga sa kanya sa PTV at tiniyak na pagtutuunan ng pansin ang pagganap sa mandato ng state-owned television station bilang “people’s network.”
Mahigit isang dekadang naging reporter ng PTV si Nebrida.
Blang bagong pinuno ng PTV, binigyang diin niya ang pagtuon ng atensyon sa “improving employee capabilities, refining program content to better serve the public, and upgrading technical infrastructure.”
“I understand that ongoing reorganization has already started. We intend to pursue that organization. Anything, anything that will make the state, the status of our employees move to a better condition, that’s what we’re going to do, number one,” ani Nebrida.
“We intend to continue what is already ongoing, and hopefully we can make it better, the objective being to make the programming of the station, of the network, more responsive, again, to the mandate of being the people’s network,” aniya pa.Nebrida added.
Hahanap siya ng mga paraan upang ayusin ang technical capabilities ng PTV, kasama ang hardware at ang infrastructure na mayroon sa kasalukuyan ang state-owned television network.
Makikipagtulungan rin siya sa mga katambal ng PTV sa sangay ng ehekutibo at lehislatura, at iba pang stakeholders upang tupdin ang mandato ng “people’s network.” (ROSE NOVENARIO)