Wed. Jul 3rd, 2024

SOBRANG hot as in mainit pa sa El Nino ang sexcapade ng isang lady employee at lawyer daw sa isang tanggapan sa Intramuros at iniraraos ang maiinit nilang eksena sa loob ng nakaparadang pick-up sa Intramuros.

“Grabe ang el-ya ni Lady Gaga talaga. Dati ay matataas na opisyal sa Intra ang tumitikim ng kanyang alindog, pero ngayon ay mababang ehekutibo na lang ng ahensya ang kanyang kaulayaw, manatili lamang sa mga kamay niya ang paggawa ng pera sa opisina,” nadidiring kuwento ng Chismosa sa Intramuros.

Ito raw kasi si Lady Gaga ay ibinubuyangyang ang mga mamahalin niyang sasakyan kahit alam niyang kuwestiyonable kung saan siya kumuha ng pambili ng mga ito, lalo na’t hindi naman kataasan ang suweldo niya.

“Hindi ako takot sa media. Mamatay sila sa inggit,” pagmamalaki pa raw ni Lady Gaga sa kanyang amigang kahuntahan sa telepono.

Aba’y maluluma si Jinky Pacquiao sa mga pasiklab ni Lady Gaga sa kanyang luxury items, kesehodang lantarang paglabag ito sa Republic Act  No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees Section 4 (h)  Simple living. – Public officials and employees and their families shall lead modest lives appropriate to their positions and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth in any form.

Paborito raw gamitin ni Lady Gaga ang kanyang pick-up at kesehodang manigas ang kanyang paa sa pagtapak sa parklight kapag namimilipit na siya sa pakikipaglampungan sa kanyang abugago cum lover.

CLUE:

Ang katiting na kapangyarihan na hawak ni Lady Gaga ay nagagamit niya para kumita ng hindi bababa sa 200K a day sa pamamagitan ng pag-delay sa mga pag-immprenta ng mahalagang card ng mga kliyente ng kanilang opisina.

“Bakit naman siya aawatin eh malakas siya mag-remit sa kinauukulan kaya huwag ng magtaka kung tambak ang kriminal sa singkit sa Pilipinas kong Mahal. Pera lang ang katapat ni Lady Gaga para may ipantustos sa kanyang hilig, sa lalaki man o sa material things,” paliwanag ng Chismosa sa Intramuros.

“May hangganan kaya ang pagpapasasa nila ng kanyang mga bossing at lover na laging kapulong sa mahiwagang pick-up?” tanong ng miron.

‘Yun na!

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *