Fri. Nov 22nd, 2024

 

TAHASANG sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na maaring lumahok sa 2025 Senatorial at Local elections ang sampung EMBO (Enlisted Men’s Barrio)  barangay na nasakop ng lungsod ng Taguig mula sa siyudad ng Makati dahil sa kautusan ng Korte Suprema, subalit hindi sila maaaring makaboto sa posisyon ng kongresista.

Ayon kay Garcia maaring maghalal ng senador, mayor, vice mayor at mga konsehal  ng Sangguniang Panglungsod ang mga botante ng EMBOs ngunit tanging ang congressman o kinatawang posisyon ang hindi nila maaring iboto.

Binigyang-linaw ni Garcia na hindi pa kasi maliwanag kung saang distrito sa lungsod ng Taguig sakop ang sampung barangay ng EMBO.

Ang lungsod ng Taguig ay may dalawang distrito na kinabibilangan ng kabuuang 28 barangay na naghahati rito maliban pa sa bagong dagdag na sampung barangay.

“Remember po nakaboto na po kayo sa barangay  at SK elections dahil iyon ay mga kandidato ng Taguig sapagakat kayo po ay parte na ng Taguig batay sa desisyon ng Korte Suprema subalit ang katanungan anong mga posisyon ang bobotohan ng mga sampung barangay na yan na napunta na sa Taguig pagdating ng 2025 national at local elections? Wala po tayong problema sa national position like sa senator at partylist ang magiging problema lamang ay sa lokal kayo ay nandyan sa Taguig kaya makaboboto kayo ng Mayor, makakaboto kayo ng Vice Mayor, makaboboto kayo sa sangguniang panglungsod. Subalit hindi kayo makaboboto para sa posisyong ng congressman sapagkat hanggang sa kasalukuyan hindi alam ng Comelec kung saang distrito kayo sa dakawang distrito ng Taguig kabilang,,” ani Garcia.

Giit ni Garcia, tanging ang kongreso lamang ang siyang makapagpapasya kung saan kabilang na distrito ang naturang sampung bagong barangay ng Taguig.

Binigyang-diin niya na walang kapangyarihan ang Comelec na magsabi kung saang distrito nasasakop ang samoung barangay na EMBO.

Inamin ni Garcia na noong ipinasa ng Kongreso  ang batas ukol dalawang distrito ng Taguig ay nakasaad kung anong mga barangay ang sakop ng unang distrito at ikalawang distrito.

Tinukoy ni Garcia na ang naturang pangyayari ay naganap din sa 63 barangay sa Bangsa Moro nang sila ay magdaos ng halalan.

Kabilang sa mga Barangay na tinutukoy ng Comelec na sakop ng Taguig ay ang Barangay Cembo, South Cembo, East Rembo, West Rembo, Comembo, Pembo, North Side, South Side, Rizal at Pitogo. (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *