Mon. Jul 8th, 2024

📷Sen. Ronald “Bato” dela Rosa

NABIYAK na rin maging ang “Duterte bloc” sa hanay ng re-electionists sa Senado.

Ipinahiwatig ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na etsapuwera na sa isinusulong nilang re-election bid ni Sen. Cristopher “Bong” Go ang kapwa nila miyembro ng Duterte-led  PDP na si Sen. Francis Tolentino.

“As far as administration or opposition is concerned, baka pwede kami maging independent, nasa gitna,” sabi ni Bato.

“Kung hindi kami dadalhin ng administration, ‘di ba, kung puno na sila, hindi na kami tatanggapin. So dito kami sa gitna.”

Ayaw ni Bato na magsalita para kay Tolentino ngunit ang samahan nil ani Go ay solido lalo na’t pareho silang taga-Davao City.

“Wala kami mapupuntahan, kaming dalawa taga-Davao, talaga magsama-sama kami. Pero si Sen. Tolentino, tanungin mo na lang siya kung ano ang plano niya. Ayaw ko magsalita in his behalf,” aniya.

Bagama’t nagiging manipis ang hanay ng PDP, walang balak umalis si Bato sa partido dahil wala naman siyang mapupuntahang iba.

“Andyan pa din pero nababawasan at nababawasan na,” “Andiyan pa din ‘yung PDP. Wala pa akong balak umalis. Wala akong balak na umalis. Saan ako pupunta kung aalis ako? Wala ako ibang mapupuntahan.” (ZIA LUNA)

 

 

 

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *