Fri. Nov 22nd, 2024

PINATALSIK ng Nationalist People’s Coalition si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo bilang kanilang miyembro bunsod ng pagkakasangkot sa human trafficking ng gambling workers at kasong graft na isinampa laban sa kanya.

Lumahok sa 2022 elections si Guo bilang isang independent candidate at nang manalo’y sumali sa NPC na may alyansa sa Partido Federal ng Pilipinas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“I hereby order the removal of Mayor Alice Guo from the roster of members of the Nationalist People’s Coalition,” sabi ni NPC chairman Vicente Sotto III sa isang liham na may petsang Hunyo 22.

Inirekomenda ni Tarlac Gov. Susan Yap, NPC provincial chairperson, kay Sotto noong Hunyo 17 ang pag-alis kay Guo sa kanilang partido sanhi ng mga kuwestiyon sa kanyang nationality at kasong human trafficking laban sa alkalde.

“In view thereof, I will be directing our Secretary General, Sec. Mark Llandro Mendoza to implement the said order and immediately inform Mayor Guo of her removal from the party,” ani Sotto.

Nilinaw ni Sotto na ang kanyang desisyon ay ginawa matapos konsultahin ang mga lider at kasapi ng NPC kaugnay sa mabibigat na akusasyon laban kay Guo.

Giit ng NPC, hindi kokonsintihin ang anomang paglabag sa batas at hindi tamang gawi ng kanilang miyembro na makasisira sa prinsipyo ng partido. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *