NANAWAGAN ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para sa mapayapang paglutas sa maritime dispute sa pagitan ng Pilipinas at China, sa pamamagitan ng diplomatikong diyalogo at pagtataguyod ng internasyonal na batas.
“As a starting point, the US and China should remove their military assets in the region and move to de-escalate the situation,” sabi ni Bayan president Renato Reyes Jr.
Giit niya, upang makamit ang mapayapang resolusyon, dapat tanggihan ng Pilipinas ang panghihimasok ng US sa hidwaan sa pagitan ng PH at China, hindi magpa-udyok sa mga probokasyon sa digmaan ng US at gamitin bilang patibong para sa mga disenyo ng imperyalistang US para sa pandaigdigang dominasyon.
Paliwanag ni Reyes, ang pinakahuling insidente na kinasasangkutan ng Coast Guard ng China at Philippine Navy ay sa gitna ng lumalalang inter-imperyalistang tunggalian sa pagitan ng US at China.
“The US as an imperialist power wants to maintain dominance in the region against rising imperialist power China. Right now, the US has used the Philippines as a forward base for its intervention in the region,” wika ni Reyes.
Inaangkin aniya ng China ang 90% ng South China Sea, na malinaw na paglabag sa internasyonal na batas at mga desisyon ng Permanent Court of Arbitration na kumikilala sa mga karapatan ng Pilipinas sa kanyang Exclusive Economic Zone.
What China did to the Philippine vessels and personnel was a violation of the UNCLOS.”
Inaasahang sasamantalahin ng US ang naturang sitwasyon upang lalong patindihin ang tensyon sa rehiyon sa pamamagitan ng pagde-deploy mas maraming asset ng militar sa ilalim ng pagkukunwari ng “pagprotekta” sa Pilipinas na kasosyo sa kasunduan ng US at ang port call ng USS Blueridge sa Maynila ay bahagi ng US power projection sa rehiyon.
“Open armed confrontation by any country would not be in the interest of the Philippines. Invoking the RP-US MDT to allow US military intervention would only escalate the situation and make things worse. We must not go down that route. We should oppose such imperialist plans,” ani Reyes.
Sa lalong madaling panahon, dapat aniyang gamitin ng Pilipinas ang kanyang mga karapatan sa soberanya sa EEZ nito at protektahan muna ang mga mangingisdang Pilipino dahil nanganganib ang kanilang kabuhayan. (ROSE NOVENARIO)