Sat. Nov 23rd, 2024

MISTULANG naglaho na parang bula ang mga Chinese citizens na napagka-looban ng mga pekeng birth certificates noong taong 2018 – 2019 sa bayan ng Santa Cruz, Davao del Sur.

Ito ang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) regional office, anito, hindi na matagpuan sa naturang bayan ang mga dayuhang nag-panggap na Pinoy para makakuha ng palsipikadong dokumento mula sa local civil registry ng Santa Cruz.

Ayon pa sa ahensya, nag-kalat na sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ang mga dayuhan na lumayas na sa kanilang mga tinitirhang lugar sa lalawigan ng Davao del Sur.

Lumabas din sa imbestigasyon, natukoy na may 200 dayuhan, na ang karamihan ay mga Intsik, ang mga nag-apply ng nabanggit na dokumento sa pagtatago at paggamit ng mga pangalan na tugoy pinoy.

“Iniisa-isa natin, sobrang hirap po kasi ang mga nakalagay dito Filipino name, ang mga may-ari Chinese. Mahirap matunton, mostly in Luzon, not here in Davao,” paliwanag ni NBI Region 11 director Arcelito Albao.

Kaugnay nito, sinuspinde na rin ng lokal na pamahalaan Santa Cruz ang nag-iisang civil registrar na lumagda sa mga pinekeng birth certificate at nahaharap pa sa kasong isasampa ng NBI laban dito.

Idinagdag din ng NBI, na ang iba pang kaugnay na kaso ng pamemeke ng pirma ay posibleng kahalintulad din ng mga kaso na kakaharapin ni Mamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na ang tunay na pangalan ay Guo Hua Ping.

“Nawawala ang foreign national sa purview ng Immigration kung sya po ay nagpanggap na Pilipino. Yung mga dokumento na ito ay maaaring magamit sa ibat ibang uri ng panloloko,” ayon naman kay Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval.

Ibinabala rin muli ng NBI na ang mga kaparehas na kaso ng pamemeke ng dokumento ng mga dayuhan ay posibleng maging banta sa pambansang seguridad ng Pilipinas. (ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *