Fri. Nov 22nd, 2024

WALA pa umanong natatanggap na ulat ang Philippine Army na may kabilang ang ilan nilang reservists sa private army o ang tinaguriang “angels of death” ni Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.

“We don’t have any reports yet kung may mga involved nga dito na private armies. We will closely coordinate with our law enforcement agencies dahil sila naman ang dapat tumutok nito,”  sabi ni Philippine Army Deputy spokesperson Colonel Rey Balido sa isang press briefing.

Ipinunto ni Balido na ang Kingdom of Jesus Christ- owned media network Sonshine Media Network International (SMNI) ay accredited bilang isang affiliated reserve unit ng Philippine Army noong 2015 at ibinigay sa kanila ang unit designation na 2nd Signal Battalion.

“If we may recall, yung Sonshine Media Network ng Kingdom of Jesus Christ, yung kaniyang media network, was accredited as Philippine Army Reservists affiliated unit last 2015,”ani Balido.

“So they are called the 2nd Signal Battalion ng Philippine Army affiliated reserved unit. So tinap natin sila because of their expertise in communications. Nagagamit natin,” dagdag niya.

Inihayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na natukoy na ng pulisya ang mga miyembro ng umano’y private army ni Quiboloy.

Ayon kay Fajardo, iniimbestigahan ng PNP kung ang Army reservists at militiamen na nagsisilbing bodyguards ng KOJC founder ay bahagi ng “angels of death.”

Umuusad na aniya ang pagkansela ng PNP sa mga lisensya ng baril ng mga kasapi ng “angels of death.”

Sinabi ng PNP na ayon sa mga biktima, binantaan sila na kapag ikinuwento sa iba ang mga sekswal na aktibidad ni Quiboloy  ay tutugisin sila ng “angels of death.”

Itinanggi ng kampo ng KOJC na nagmamantine ng private army si Quiboloy. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *