“MISSION accomplished” na ang BRP Teresa Magbanua kaya nagbalik sa homeport matapos ang limang buwang deployment sa Escoda Shoal, ayon kay National Maritime Council Chairperson Executive Secretary Lucas Bersamin
Sinabi ni Bersamin ang repositioning na ito ay magbibigay-daan sa BRP Teresa Magbanua na tugunan ang mga medikal na pangangailangan ng ilan sa kanyang mga tripulante, sumailalim sa mga kinakailangang pagkukumpuni, at matamasa ng ng kanyang mga tripulante ang isang karapat-dapat na “furlough” at muling pagsasama-sama ng kanilang mga mahal sa buhay.
Kapag natapos na aniya ang resupply, repair, at ma-recharge maging ang mga crew ng BRP Teresa Magbanua, agad nitong ipagpapatuloy ang kaniyang misyon kasama ang iba pang mga asset ng Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Naranasan ng BRP Teresa Magbanua sa naging deployment nito sa Escoda Shoal, ang mga panganib gaya ng malaking hamon sa mga mananakop, masamang panahon, ngunit naigpawan ito kasama ang crew kahit pinaliit na pang-araw-araw na probisyon.
Pinasalamatan ni Bersamin ang crew ng BRP Teresa Magbanua sa kanilang determinasyon at dedikasyon sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin lalo na ang pagbigay proteksyon sa teritoryo ng Pilipinas.