UMALMA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ipinakalat na “fake news” ni ret. B/Gen. Johnny Macanas sa kanyang vlog hinggil sa umano’y naganap na walkout ng ilang heneral sa ginanap na command conference na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Camp Aguinaldo noong 4 Hulyo 2024.
“That’s fake news,” sabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa isang media briefing.
“I was there personally. There was nothing of that sort that happened. It was a professional exchange of ideas and discussions,” dagdag niya.
Habang sa isang kalatas ng AFP, tinawag ang komentaryo ni Macanas bilang “misleading” at walang batayang impormasyon.
“There is no truth to the recent commentary by BGen Johnny Macanas Sr (Ret) on a radio “blind item,” whether intentional or not. It is not only based on unfounded information, his comments were also misleading and uncharacteristic of any military officer, active or retired,” sabi sa AFP statement.
Giit ng AFP, propesyonal at tapat ang mga sundalo sa chain of command at hindi nila papayagan ang anomang pagsusumikap na siraan ang komitment sa kanilang mandato ng mga nagpapapansin at nagsusulong ng personal political agenda.
“Our soldiers are professional and loyal to the chain of command. We will not allow any effort to malign our ranks and discredit our commitment to our mandate by clout-chasers and their personal political agenda.”
Nanawagan sa publiko ang AFP na maging kritikal sa mga maling naratibo at iulat ang mga indibidwal at social media channels na nagpapakalat ng maling impormasyon.
“We call on the public to be critical of these false narratives and report individuals and channels that propagate disinformation,’ anang AFP. (ROSE NOVENARIO)