Sat. Nov 23rd, 2024

NAGING ‘playground’ ng dayuhang sindikatong kriminal ang Pilipinas dahil sa pakikipagsabwatan ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan kaya’t namayagpag ang operasyon ng illegal Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa na pinamamahalaan ng mga Chinese.

Sinabi ito ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz sa ginanap na pagdinig sa Senado.

Kung naantala aniya ang aksyon ng gobyerno laban sa illegal POGO hubs, maaaring nakapagtayo na ang mga ito ng sariling “republika” sa bansa.

Nabisto ng PAOCC na “well entrenched” ang istruktura ng Chinese-run POGO hubs at hindi limitado ito sa scam farms dahil mayroon na silang sariling enforcement group mula sa China, mga puganteng Pinoy na kriminal at mga tiwaling opisyal ng pamahalaan bilang kanilang mga kasapakat..

Sangkot na rin aniya ang illegal POGOs sa kidnapping at patayan

“Dati gumagamit pa sila ng mga Filipino counterparts but now what they’re doing is nag-iimport na sila ng mga retired military from their mother country (China). Some are retired policemen. Ito po ay nasa record natin na ang hinahabol namin sa ibang POGO hubs are retired military and policemen,” sabi ni Cruz.

“And that will probably explain why we have the military and police uniforms sa mga POGO hubs na nire-raid natin.”

Karamihan aniya sa nasa likod nito ay ang mga puganteng mula sa sindikatong kriminal mula sa pinagmulan nilang bansa.

“Nakita nila ang Pilipinas as an ideal playground. When I say playground… things they need to continue to operate their illegal activities are available like having a new identity. In fact, everytime we raid a POGO hub, laging may mga fugitives. Na may driver’s license, PhilHealth Cards, birth certs and passports,” paliwanag ng PAOCC official.

Isa pang salik sa pagdagsa ng illegal POGOs sa bansa, sabi ni Cruz, ay ang sobrang kaluwagan na ibinibibigay sa “so-called foreign investors” maliban pa sa napakadali para sa kanila ang suhulan ang mga tao sa pamahalaan.

“We’re thinking na naging puntahan tayo ng mga criminal elements because they can get what they want here and in case they run into trouble with the law… it’s quite hard to admit pero in most cases, naaayos nila yung problema nila dito,” aniya. (ROSE NOVENARIO)  

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *