📷Altermidya.net
NANANATILING mahirap sa Pilipinas ang pagapatupad ng mga tuntunin ng kalayaan sa pamamahayag, ayon sa global media group na Reporters Without Borders (French: Reporters Sans Frontieres, RSF).
Sa 2024 Press Freedom Index nito, ikinategorya ng RSF ang Pilipinas na nasa mahirap na mga kondisyon kung saan si Frenchie Mae Cumpio ng Eastern Vista ay nakatala bilang isang malinaw na ebidensya ng patuloy na paglabag sa kalayaan sa pamamahayag ng gobyerno.
Ang Pilipinas ay nasa ika-134 na pwesto sa 180 bansa, na bumaba ng dalawang baitang mula sa 2023 na ika-132.
“Press freedom around the world is being threatened by the very people who should be its guarantors – political authorities,” anang RSF.
“This finding is based on the fact that, of the five indicators used to compile the ranking, it is the political indicator that has fallen most, registering a global average fall of 7.6 points,” isiniwalat ng grupo.
Ang Norway ang pinakamahusay na bansa habang ang Afghanistan, Syria at Eritrea ang pinakamasama sa kalayaan sa pamamahayag, idinagdag ng RSF.
Nasa kategorya ng pinakamasamang rehiyon ang Middle East habang ang Asia-Pacific, kung saan kasama ang Pilipinas, ang pangalawa sa pinakamasama.
“The press freedom situation has worsened in the Asia-Pacific region, where 26 of the 32 countries and territories have seen their scores fall in the 2024 World Press Freedom Index. The region’s dictatorial governments have been tightening their hold over news and information with increasing vigor,” sabi ng RSF.
Nabanggit ng RSF na habang ang kalayaan sa pamamahayag ay isang karapatan na ginagarantiyahan ng Konstitusyon sa Pilipinas, daan-daang media killings ang nananatiling hindi nalutas.
Tinukoy ang pamahalaan bilang responsible rin sa mga pag-atake sa press freedom laban sa critical media outfits.
Nagbabala ang RSF na ang pandaigdigang pagbaba sa ranggo ng press freedom ay mas malala ngayong taon, dahil sa mga halalan na ginanap sa dose-dosenang mga bansa sa buong mundo.
Naghahanda ang Pilipinas para sa May 2025 midterm elections. (ROSE NOVENARIO)