📷US State Secretary Antony Blinken (kaliwa) at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo (PNA file photo)
NAKATAKDANG pag-usapan ng Pilipinas at US ang mga paraan para palakasin ang kanilang 72-taong alyansa sa darating na Foreign and Defense Ministerial Dialogue (2+2) sa susunod na linggo.
Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon na makikipagpulong sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kina US Secretary of State Antony J. Blinken at US Defense Secretary Lloyd J. Austin III sa Manila para sa 2+ 2 sa Hulyo 30.
Ito ang magiging ika-apat beses na Philippine-US ministerial dialogue, kasunod ng pagpupulong na ginanap sa Washington DC noong Abril 2023.
“The Philippines-U.S. Alliance has contributed to the maintenance of peace, stability, and prosperity in the Indo-Pacific region for over 70 years,” ayon sa kalatas ng DFA.
“During this year’s 2+2 Dialogue, the four Secretaries are expected to discuss how to further enhance our two countries’ ironclad commitment to this alliance while enabling a common program in support of the rules-based international order, enhanced economic ties, broad-based prosperity, and solutions to evolving regional and global security challenges,” dagdag nito.
Sa huling 2+2 na pagpupulong, ang dalawang estado ay naglabas ng magkasanib na pahayag na muling nagpatibay ng buong suporta para sa “international law, modernizing shared defense capabilities of the alliance, advancing economic and environmental security, and cultivating vibrant and robust people-to-people ties between the two countries.”
Nakatakda ring mag-courtesy call sina Blinken at Austin kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanilang pagbisita sa Maynila, sabi ng DFA.
Inulit ng US ang “ironclad commitment” nito sa alyansa sa maraming pagkakataon sa harap ng mga aksyon ng Beijing sa West Philippine Sea.
Sa kanyang pagbisita sa Maynila noong Marso 19, sinabi ni Blinken na patuloy na palalakasin ng US ang maritime, defense, gayundin ang pakikipagtulungan sa ekonomiya ng bansa.
Aniya, ang patakarang panlabas ng Washington DC ay muling pasiglahin ang mga umiiral na pakikipagsosyo sa rehiyon at bumuo ng nuance na akma para sa mga pangangailangan ng kaalyadong bansa nito.
Samantala, binatikos ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang paggamit ng sambayanang Pilipino sa paggawa ng isang runway at pasilidad ng militar .para gamitin ng mga puwersang militar ng US
“The Marcos regime’s rushed construction of a runway and military facility at Balabac island for use of US military forces is a gross display of subservience to its imperialist master,” pahayag ng CPP.
Plano umano ng US na gamitin ang pinakatimog na isla ng Palawan bilang base militar para ipreposisyon ang mga sandata at tropa nito, alinsunod sa istratehiya nitong pigilan ang paglaki ng imperyalistang karibal nitong China.
Ayon sa CPP, umabot sa ₱170 milyon ng pera ng bayan ang ginamit ni Marcos Jr. para magtayo ng base militar para sa US sa kabila ng reyalidad na dumaranas ng mataas na presyo, mababang sahod at mabigat na buwis ang mamamayang Pilipino.
Tinawag ng CPP na hungkag at mali ang itinatambol na layunin ng pasilidad ng militar ng US na pagtatanggol sa West Philippine Sea.
Giit ng CPP, ang pagtulak ni Marcos na tapusin ang konstruksyon ay taliwas sa sarili niyang deklarasyon na “deescalate” ang mga tensyon sa China.
“The presence of US military forces and weapons in the Philippines serves no other purposes but that of the war-obsessed US war machine.” (ZIA LUNA)