Mon. Nov 25th, 2024

📷English pop rock band Duran Duran

 

‘NAPAKASAMA sa panlasa’ ang napaulat na marangyang pagdiriwang ng ika-67 kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang five-star hotel na nag-perform ang English pop rock band Duran Duran.

Binatikos ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang kontrobersyal na maluhong selebrasyon kahit pa ang gastos nito’y sagot ng “old friends” ni Marcos Jr.

“This ostentatious display during President Marcos’ birthday, regardless of who footed the bill, is in extremely poor taste,” sabi ni Castro.

Habang naghihirap aniya ang mayorya ng mga Pinoy, ang magarbong party ay nagpapakita lamang ng napakalaking agwat sa uri ng pamumuhay ng mga naghaharing elitista at ng ordinaryong mamamayan.

“While millions of Filipinos are grappling with economic hardships, such a lavish celebration only underscores the stark contrast between the ruling elite and the ordinary citizen,” anang teacher solon.

Binigyan diin ni Castro na hindi mapagtatakpan nang pagkagalante ng mga kaibigan ni Marcos Jr. ang pagiging manhid nila sa pagdaraos ng ganitong kalaking pagdiriwang sa panahon na maraming Pilipino ang nahihirapan matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.

“This event not only highlights the disparity in wealth but also downplays the suffering of the Filipino people,” giit niya.

Sa kabila aniya ng paglilinaw ng Palasyo na wala ni isang kusing na gastos ang gobyerno sa nasabing party, ang makita silang nagpapakasaya sa marangyang pagdiriwang ay nag-aambag sa diskuntento ng publiko

“The country’s leaders should be exemplars of humility and empathy, particularly during challenging times. Kaya hindi maganda ang ganitong kagarbong mga handaan, lalong hindi maganda kung ayaw ipakita o ilahad saan ginastos ang pera ng bayan” ayon kay Castro.

Patuloy na isinusulong ng gteacher solon ang adbokasiya na inuuna ang kapakanan ng mamamayang Pilipino at nananawagan sa mga opisyal ng gobyerno na magpakita ng pakikiisa sa kanilang mga nasasakupan sa pamamagitan ng mga aksyon na sumasalamin sa tunay na diwa ng serbisyo publiko. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *