DUMISTANSYA ang Department of Education sa kontrobersyal na aklat na “Isang kaibigan” na iniakda Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Department of Education Undersecretary Gina Gonong, walang kinalaman ang DepEd sa paggawa ng naturang libro, hindi dumaan sa quality assurance at accreditation ng kagawaran.
Napag-alaman na lamang ng kagawaran ang tungkol sa aklat nang inilunsad ito sa Quezon City noong Nobyembre 2023.
“(The DepEd) had no role in the production, development, and printing of the book,”giit ni Gonong sa pagdinig ng DepEd budget sa Mababang Kapulungan kahapon.
Humihirit ng sampung milyong piso si VP Sara para pondohan ang paglimbag at pagpapakalat ng kanyang libro sa panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President.
Kinuwestiyon ang maraming mali isa naturang aklat at walang nakikitang kahalagahan ang libro para sa kapakanan ng edukasyon ng mga batang target na makatanggap nito para gastusan pa ng sampung milyong pisong mula sa buwis ng mga mamamayan. (ROSE NOVENARIO)