Sun. Nov 24th, 2024

MAAARING nasa Amerika na si Mylah Roque, ang misis ni dating Presidential Spokesman Harry Roque, ayon kay House quad committee chairman at Surigao del Norte Rep. Ace Barbers.

Ayon kay Barbers, nagpunta na sa Singapore si Mylah noong unang linggo ng Setyembre kaya hindi na siguro makadadalo ito sa pagdinig ng komite hinggil sa umano’y pagkakasangkot nilang mag-asawa sa Philippines offshore gaming operators (POGOs).

“Then she will not return here. Maybe she’s in the United States already,” ani Barbers.

Naglabas ng isang show-cause order ang quad comm laban kay Mylah upang dumalo sa hearing.

“She’s absent twice and the documents that she submitted, the medical certificate is not acceptable to the majority members. It’s like a Clinica Manila certificate,” sabi ni Barbers.

Batay sa imbestigasyon ng komite, si Mylah ay isang incorporator ng Lucky South 99, isang illegal POGO hub sa Porac, Pampanga.

Siya rin umano ang pumirma sa lease contract ng isang bahay sa Tuba, Benguet kung saan naaresto ang dalawang Chinese nationals na konektado sa POGO.

Kaugnay  naman sa esposo ni Mylah, pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad ang dating tagapagsalita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos mag-isyu ng arrest warrant laban sa kanya ang quad comm sanhi ng pagkabigo niyang dumalo sa pagdinig at isumite ang mga dokumento na ipinangako niyang ibibigay sa panel.

Kabilang sa mga dokumento ay ang kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), mga papeles hinggil sa kompanya ng kanyang pamilya na Biancham, isang  subsidiary sa Benguet na may pangalang PH2 at ang deed of sale para sa 1.8-ektaryang ari-arian sa Parañaque City. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *