📷Amirah Lidasan
Ipinagmalaki ng Makabayan Coalition ang pagdaragdag kay Amirah Lidasan bilang ika-11 senatorial candidate para sa 2025 midterm elections.
Si Lidasan, na naging dedikadong tagapagtaguyod para sa karapatang pantao at ang pagpapasya sa sarili ng Moro at mga katutubo, ay nagdadala ng dagdag na karangalan sa koalisyon .
Sinabi ni Makabayan Coalition co-chairperson at dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na labis niyang ikinatuwa ang kandidatura ni Lidasan at nasasabik ang kanilang grupo na makasama siya sa kanilang senatorial slate lalo na’t ang mga katutubo ay isang napakahalagang asset sa kanilang koponan.
Si Lidasan, kasalukuyang nagsisilbing co-chairperson ng Sandugo – Movement of Moro and Indigenous Peoples for Self Determination ay isang aktibista mula noong siya ay mag-aaral sa University of the Philippines’ College of Mass Communications.
Ang kanyang trabaho ay patuloy na nakatuon sa mga pakikibaka ng mga komunidad ng Moro at katutubo, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kanilang karapatan sa sariling pagpapasya.
“Amirah’s candidacy is a testament to the diversity and strength of our coalition. Her voice will amplify the issues of the Moro and Indigenous Peoples in the Senate, ensuring that their struggles and aspirations are heard and addressed,” sabi ni Colmenares.
Nananatili aniyang nakatuon ang Makabayan Coalition sa pagtataguyod ng mga karapatan at kapakanan ng sambayanang Pilipino, at kasama ng mga pinunong tulad ni Amirah, patuloy silang nagsusumikap para sa isang gobyernong tunay na naglilingkod sa masa.
“We look forward to working alongside Amirah in this journey towards a better future for all Filipinos,” wika ni Colmenares.(ROSE NOVENARIO)