📷Allen Capuyan, akusado sa kasong smuggling ng Php 6.4 bilyong halaga ng shabu
PANAGUTIN ang mga kriminal at huwag bigyan ng puwang sa pamahalaan.
Panawagan ito ng Kabataan Partylist Cordillera kasunod ng paghahain ng kani-kanilang certificate of candidacy at certificate of nomination and acceptance nina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy, pusakal na red-taggers na sina Lorraine Badoy, Allen Capuyan, at Marlon Bosantog.
“Criminals like Quiboloy and former President Rodrigo Duterte are yet to answer for their crimes but still have the nerve to run for the 2025 elections. Even the likes of red-taggers Bosantog, Badoy, and Allen Capuyan who have done nothing but bring disinformation and harm to the Cordilleran people are running for a government seat,” anang grupo sa isang kalatas.
Giit nila na ang mga dating National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) officials, at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) mouthpieces na sina Capuyan at Bosantog ay aktibong red-taggers at hindi mga totoong kinatawan ng kalagayan at pakikibaka ng mga pambansang minorya
Naging pinuno si Capuyan ng Task Force Gantangan, na nagbup ng iba’t ibang paramilitary groups na nanakot sa pamayanan ng mga katutubo sa Mindanao.
Bilang assistant general manager ng Manila International Airport Authority, idinawit siya sa pagpuslit ng Php 6.4 bilyong halaga ng shabu.
Habang si Bosantog ay idineklarang Persona Non Grata ng pamayanang Isnag sa Kubagao, Apayao nang nakipagsabwatan siya upang maglabas ng resolution na nagpahintulot sa pagtatayo ng mga mapaminsalang dam projects.
“They treat public service like a playground and only a source of power and wealth. The people know better! No places for trapos and human rights violators!” anang Kabataan.
Mariing kinondena ng Kabataan Partylist Cordillera ang paggamit ng mga elitistang politiko sa pambansang halalan upang makonsolida ang kanilang kapangyarihan at pagsamantalahan ang mga mamamayan.
“We hold these human rights violators and criminals accountable for their actions against the Filipino people. No seats for trapos! We push forward for progressive governance that genuinely represents the people!” (ZIA LUNA)