ISUMITE sa International Criminal Court ang mga sinumpaang salaysay nina ret. Police Col. Royina Garma at Kerwin Espinosa upang matiyak na makakasuhan sa ICC sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Panawagan ito ni dating Bayan Muna Congressman at human rights lawyer Neri Colmenares kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa Department of Justice kasunod ng mga ‘pasabog’ nina Espinosa at Garma sa pagdinig ng House quad committee kaugnay sa madugong drug war na ipinatupad ng rehimeng Duterte.
Si Colmenares ay isa sa mga abogado sa ICC ng mga biktima ng Duterte drug war.
Giit niya, may kagyat na pangangailangan para panagutin at aksyonan ang mga alegasyon sa naganap na extrajudicial killings noong rehimeng Duterte.
“The testimonies point to a systemic pattern of human rights violations that cannot be ignored,” sabi ni Colmenares.
“President Marcos Jr. must act decisively to demonstrate that his administration does not enable impunity by protecting those responsible for these heinous crimes. He should turn over the Garma and Espinosa testimonies to the ICC to ensure prosecution of Duterte and Dela Rosa. The ICC has been investigating the EJKs since 2017 and is in the best position to go to trial against Duterte and his subordinates,” dagdag niya.
Hiniling rin ni Colmenares na imbestigahan at sampahan ng kaukulang kaso si ret. Gen. Edilberto Leonardo, na nagbitiw bilang commissioner ng National Police Commission.
Nanawagan din siya sa Bureau of Immigration na maglabas ng lookout bulletin laban kay Leonardo upang maiwasan ang anomang pagtatangka niyang lumabas ng bansa.
“We also call on the QUAD committee to ensure the attendance of all those mentioned by Garma to ferret the truth. The families saw some hope due to the investigation being conducted by the QUAD Committee. We hope the Chairpersons of the Committee will pursue the search for justice to the bitter end,” sabi ni Colmenares.
Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga pamilya ng biktima ng Duterte drug war sa pagbalewala sa kanila ng pamahalaan dahil pinapayagan ni Marcos Jr. na manaig ang kawalan ng pananagutan at inhustisya.
Nagkaroon na lamang sila ngayon ng kaunting pag-asa sa matagal nilang paghahanap ng hustisya dahil sa pagsisiyasat ng quad committee.
“We reiterate our call for President Marcos Jr. to uphold justice and ensure that those who have committed crimes against humanity face the full force of the law,” wika ni Colmenares. (ROSE NOVENARIO)