Wed. Oct 16th, 2024

📷Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel

 

HINDI dapat kunsintihin ang astang maton ng mga opisyal ng pamahalaan na hayagan kung pagbantaan ang resource person ng House quad committee, ayon kay Kabataan Parytylist Rep. Raoul Manuel kagabi.

“Dapat hindi po natin i-tolerate yung mga public officials na nagte-threaten ng violence sa ating resource persons. Di po puwedeng nag-aastang bully o astang pikon,” reaksyon ni Manuel sa banta ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na susuntukin si Kerwin Espinosa, resource person ng quad comm.

“Ang masasabi ko lang kay Kerwin Espinosa, sinungaling siya. Kapag nakita ko siya susuntukin ko siya sa mukha, masyado siyang sinungaling. Yun lang,” pahayag ni dela Rosa hinggil sa isiniwalat ni Espinosa na tinakot siyang papatayin gaya ng sinapit ng kanyang ama, pati ang kanyang pamilya, kapag hindi siya sumunod na iugnay sa operasyon ng illegal drugs sina dating Sen. Leila de Lima at Peter Lim.

Si Albuera Mayor Rolando Espinosa Jr., ama ni Kerwin, ay pinatay ng mga pulis mula sa CIDG sa loob ng Baybay Provincial Jail.

Panawagan ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa Department of Justice (DOJ) sampahan ng kasong grave coercion o grave threats si dela Rosa bunsod ng isiniwalat ni Kerwin.

Kailangan din aniyang sitahin ang pananakot ni dela Rosa kay Kerwin na isang paglabag sa kalayaan ng Kongreso na mag-imbestiga.

Giit ni Colmenares, ang asal ni dela Rosa ay patunay sa hilig niyang gumagamit ng karahasan kapag hindi kursunada ang sinabi ng isang tao, gaya ng amo niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“The DOJ should file charges of grave coercion or grave threats against dela Rosa using Espinosa’s testimony. Which the Court will surely find more believable than de la Rosa’s general denial. De la rosa must also be warned for threatening to punch a witness appearing in Congress. This kind of attitude is not only a violation of the independence of legislative inquiries, but also shows his penchant to use violence when he disagrees with another. Just like his boss Duterte,” sabi ni Colmenares. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *