📷Former Bayan Muna Rep. and human rights lawyer Neri Colmenares
ANG testimonya ni ret.police Col. at dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairperson Royina Garma ang ‘nagtahi’ ng mga ebidensya na magpapatibay sa kasong crimes against humanity laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, ayon kay dating Bayan Muna Rep, at human rights lawyer Neri Colmenares.
Dalawa aniya ang elemento sa kasong crimes against humanity, una ay ang malawak at sistematikong pag-atake sa mga sibilyan at ang kaalaman sa naturang mga pag-atake.’
“Malaki ang implication ‘nun legally lalo na sa pananagutan ni Pres. Duterte.For example crimes against humanity sa ICC ang kanyang kaso ni Pres.Duterte, there are two elements there, the first is widespread and systematic attack against civilians. Yan proven na yan, widespread mula Aparri hanggang Jolo sibilyan naman ang pinapatay,” sabi ni Colmenares sa panayam sa programang Storycon sa One News kahapon.
“Yung second element ng crimes against humanity is knowledge of the attack. Ibig sabihin yung gumawa nun alam nya na nag-aatake siya,” dagdag niya.
Hindi aniya mapasusubalian na may mga ebidensya laban kay Duterte base sa mga elemento ng crimes against humanity bunsod ng pag-amin ni Garma na pinondohan ng dating pangulo ang pagbibigay ng pabuya sa mga makakapatay ng drug suspect.
“So ang proof kay Pres. Duterte were the public orders na kill, kill, kill and second yung public statements nya na ine-encourage ang mga pulis i-amnesty ko kayo, bahala ako sa inyo. That’s the second evidence kumbaga ng knowledge nya but etong sinabi ni Col. Garma, yan ang nagtahi talaga kasi hindi lang pala siya nag-order ng kill, he ordered the initiation of the reward,” paliwanag ni Colmenares.
“At pangalawa siya ang nagpondo mismo. So that immediately changes everything. Kasi now madudulog na talaga sa kanya ang EJK na ito kasi not only he ordered it, he even funded it. May reward for killings, ng EJKs. Medyo malaking bagay ang testimony ni Col. Garma,” giit niya.
Kaugnay sa paghuhugas-kamay ni Garma sa mga patayan sa drug war, sinabi ni Colmenares na maaari naman na kalaunan ay kasuhan si Garma sa pagpatay kay dating PCSO board secretary at ret. Gen. Wesley Barayuga.
“Puwede naman na hindi niya implicate ang sarili niya, she can be charged later on kay Gen. Barayuga., another case but dito at least sinabi niya na inutusan siya initially na kausapin yung isang Col Leonardo in this case and then mag-put up ng structure at sinabi ni Leonardo sa kanya lahat nang nangyari so she was aware of all these information,” anang human rights lawyer.
“Malaking part din on the part of Col. Garma na insider siya so she can be used dun sa sworn statement niya sa ICC on the crimes against humanity.” (ROSE NOVENARIO)