Mon. Nov 25th, 2024

📷House Assistant Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V 

NANINIWALA ang ilang kongresista na kailangan nang sumailalim sa isang psychological evaluation si Vice President Sara Duterte kasunod ng kanyang nakababahalang mga pahayag na pumasok sa kanyang isip na putulin ang ulo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at bantang huhukayin ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para itapon sa West Philippine Sea.

Sinabi ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na walang matinong tao ang makakaisip, lalo’t gagawa, ng mga inihayag ni VP Sara at nakababahala ang antas ng kawalan ng katinuan sa kanyang mga salita.

Para kay House Assistant Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V , nakababahala ang seryosong implikasyon ng mga sinabi ng bise presidente.

“Ang ganitong uri ng marahas at nakakatakot na mga pahayag ay hindi katanggap-tanggap mula sa kahit sino, lalo na sa isang nakaupong Bise Presidente. Malinaw na may malalaking katanungan tungkol sa kanyang estado ng pag-iisip at emosyonal na kalagayan,” sabi ni Ortega.

Hinikayat ni Ortega si VP Sara na magpatingin sa dahil nakakabahala ang kaniyang mga pahayag.

Ang mga nakakagigimbal na pahayag ni VP Sara ay ginawa matapos busisiin ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang kuwestyunableng paggamit ng kanyang confidential funds sa ilalim ng Office of the Vice President at Department of Education.

Sa naturang pagdinig, itinanggi ng mga dumalong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may natanggap silang confidential funds mula kay Duterte para sa Youth Leadership Summits (YLS).

Giit nila, ang AFP at ang mga lokal na pamahalaan ang gumastos sa summit.

Batay sa rekord ng Commission on Audit (COA), isinumite ni VP Sara ang mga sertipikasyon mula sa AFP para patunayan ang ginastos nitong P15 milyon na ipinambayad umano sa mga impormante.

Ngunit ayon sa mga opisyal ng AFP, ang mga sertipikasyon ay para sa pagdaraos ng YLS.

Kaugnay nito, inihayag ni House Assistant Majority Leader at Nueva Ecija Rep. Mika Suansing na ang pagsisiyasat ng Mababang Kapulungan sa umano’y hindi wastong paggasta sa OVP at DepEd funds ay nagbigay daan para pagdudahan ang liderato ng VP Sara.

“The ongoing investigations regarding the alleged misuse of OVP and DepEd funds under Vice President Duterte puts the vice president’s leadership into question,” ani Suansing.

“This is not just about accounting errors. This is deception. Using the military to cover up the improper use of confidential funds is an egregious act. Instead of addressing these legitimate concerns through appropriate and respectful channels, she dismissed them as political attacks.Such an approach sows division and distracts us from what matters – the urgent challenges our people face, “ ayon naman kay House Deputy Majority Leader Jude Acidre. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *