Thu. Nov 21st, 2024

NANINIWALA ang Bureau of Immigration (BI) na may ebidensiya na magpapatunay na hindi isang Pilipinao si dismissed mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac at dapat siyang sipain palabas ng bansa.

Si Guo, na sinasabing Chinese citizen na nagngangalang Guo Hua Ping, ay dumalo sa unang pagkakataon sa pagdinig ng board of special inquiry ng BI sa pangunguna ng hepe nito na si Gilbert Repizo sa Intramuros, Manila noong Biyernes, Nob. 15.

Kasama ng kanyang abogadong si Stephen David, hinamon ni Guo ang alegasyon ng BI na hindi siya Pilipino.

Nanindigan si Repizo na may sapat na ebidensya para i-deport si Guo, dahil ipinakita niya ang natuklasan ng National Bureau of Investigation (NBI)  na nag-ulat na parehong may parehong fingerprint si “Alice Guo” at “Guo Hua Ping”, pati na rin ang pekeng birth certificate ni Guo.

Ani Repizo, ang mga naturang datos ay legal, wasto at boluntaryong ibinigay ni Guo.

Hinamon niya si Guo na magharap ng isang “karapat-dapat na saksi o eksperto” sa loob ng 15 araw para pasubalian ang biometrics.

Samantala, iginiit ni David na magiging “unfair” para kay Guo na ipatapon sa Pilipinas.

Hindi aniya patas ang pagpapatapon ng isang mamamayang Pilipino na hindi kinikilala.

Magiging stateless aniya si Guo siya dahil walang tatanggap sa kanya kaya’t nababahala sa magiging estado ng kanyang kliyente.

Si Guo ay kasalukuyang nakakulong sa Pasig City Jail at nahaharap sa mga kasong qualified human trafficking at graft.

Inakusahan siya ng paggamit ng kanyang dating posisyon bilang alkalde para magtayo ng isang Philippine offshore gaming operator firm at scam hub sa Bamban. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *