Thu. Nov 21st, 2024

PANAHON na para makipagtulungan at makipag-ugnayan sa International Criminal Court (ICC) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang imbestigahan, arestuhin, usigin at litisin si dating Pres. Rodrigo Duterte para sa pagpatay sa libu-libong drug suspect noong siya ay alkalde ng Davao City at sa kanyang mga unang taon bilang pangulo ng bansa lalo na’t marami nang narinig na self-incriminating statements mula sa  kanyang mga testimonya sa harap ng Quad Committee ng House of Representatives at ng Senado

Ayon sa human rights group na Karapatan, ito ang susunod na lohikal na hakbang sa harap ng lahat ng mga pag-amin na ginawa ni Duterte sa ilalim ng panunumpa na siya mismo ang nag-utos ng mga pagpatay at siya mismo ang gumawa ng ilan sa mga pagpatay.

Ang pananagutan anila ay dapat gawin upang makamit ang hustisya para sa mga biktima.

Giit ng Karapatan dapat ding arestuhin, kasuhan at litisin ang mga alipores ni Duterte dahil sa pagsunod nila sa malinaw na iligal na utos ng kanilang amo kapalit ng pera.

Si Duterte, anang grupo, at ang kanyang mga alipores ay hindi maaaring litisin sa mga korte ng Pilipinas dahil maaari nilang impluwensyahan, gipitin at biguin ang hustisya, anang Karapatan.

Hindi sila dapat makulong sa mga kulungan sa Pilipinas kung saan malamang na masiyahan sila sa VIP treatment, dahil sa kanilang pera at impluwensya at ang katiwalian na laganap sa ating sistemang penal.

“There is no reason for Ferdinand Marcos Jr. to continue feeling bound by Duterte’s self-serving decision to withdraw from the ICC. That is, unless he believes that staying out of the ICC’s ambit will also shield him from being investigated and prosecuted in the future for the mounting war crimes being perpetrated by his military forces in the course of the counter-insurgency war,” wika ng grupo. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *