Wed. Dec 4th, 2024

INIHALINTULAD sa blockbuster movie na “Hello, Love, Again” ang pagpigil ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Kongreso na isalang sa impeachment proceedings si Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Chairperson at dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na tila umaasa pa si Marcos Jr. na mabubuo muli ang alyansa nila ni Duterte kaya niya pinipigilan ang impeachment sa dating ka-tandem sa UniTeam.

“Discouraging impeachment would also seem that the President is still hoping to rekindle their alliance.  Ano to, Hello, Love Again?” ayon kay Casiño.

Pinapalalim aniya ni Marcos Jr, ang kultura ng kawalan ng pananagutan nang tawagin na  pag-aaksaya lang ng oras ang impeachment, na ang paggasta sa pera ng bayan ay kinukuwestiyon pero ang mga salarin ay hindi inuusig.

“By saying that impeachment is only a waste of time, President Bongbong Marcos only deepens the culture of impunity, where public funds are questioned but the culprits are not held accountable,” buwelta ni Casiño sa pakikialam ni Marcos Jr. sa Kongreso kaugnay sa nakaambang impeachment kay Duterte.

Kailanman aniya ay hindi pagsasayang ng panahon ang pagpapanagot sa mga opisyal ng pamahalaan, kahit ito man ay sa pamamagitan ng impeachment, paghahain ng kaukulang kaso sa Ombudsman o Sandiganbayan.

“Holding government officials accountable, whether by impeachment or filing the appropriate cases in the Ombudsman or Sandiganbayan will never be a waste of time and resources. All the more we should hold government officials to account as this can lead to more wastage of public funds,” sabi ni Casiño.

Bagama’t hindi naman inaasahan na manghimasok ang Pangulo sa impeachment ni Duterte, mali ang pagbalewala ni Marcos Jr. sa mga pagsusumikap na panagutin ang bise presidente sa pamamagitan ng prosesong ito.

Ang pagmamaliit ni Marcos Jr. sa impeachment ay pagtalikod sa interes at tiwala ng publiko, giit ng Bayan chairperson.

“While we do not expect the President to intervene in the impeachment of VP Duterte, it is improper for him to dismiss efforts to hold her accountable through this process. In fact, not doing so is a betrayal of the public interest and the people’s trust.”

Sakaling maihain ang impeachment complaint laban kay Duteterte, dapat hayaan ni Marcos Jr. na Kongreso ang magpasya bilang kapantay na sangay ng pamahalaan, sabi ng dating kinatawan ng Bayan Muna.

“Should the impeachment complaint see the light of day, Marcos Jr. should let Congress decide its fate as a co-equal branch of the government.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *