Fri. Jan 10th, 2025

๐Ÿ“ทCPP Information Bureau

 

MAPANLILINLANG ang mga pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. tungkol sa ika-56 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) ย na may โ€œisang mahinang larangang gerilyaโ€ na lamang ang New Peopleโ€™s Army, ayon kay CPP Chief Information Officer Marco Valbuena.

โ€œThrough decisive operations and a whole-of-nation approach, their capabilities have been significantly crippled, with only one weakened guerrilla front set for dismantling,โ€ sabi ni Brawner sa isang kalatas kahapon.

Nanawagan pa si Brawner sa mga natitira pang miyembro ng CPP-NPA na magbalik-loob na sa pamahalaan upang makapiling muli ang kanilang pamilya.

Sinabi ni Valbuena na ang mga retorika ni Brawner ay patunay na ang CPP, NPA, at ang pambansang demokratikong rebolusyonaryong puwersa ay nananatiling pinakamalaking hadlang sa interbensyong militar ng US, burukrata kapitalistang katiwalian, at ang paghahari ng pasistang terorismo ng AFP.

Nakapagtataka aniya na hindi matukoy ni Brawner ang lokasyon ng ipinagmamalaki niyang “isang mahinang larangang gerilya” kayaโ€™t nag-iisip ang masa kung alin sa mga patuloy na operasyong militar ng AFP sa humigit-kumulang 20 probinsya ang target nito.

Giit ng opisyal ng CPP, ang pagyayabang ni Brawner na may โ€œleadership vacuumโ€ na ang CPP ay nagpapakita ng desperasyon.

Kahit gumagastos aniya ng daan-daang milyong piso sa intelligence at combat operations ang AFP para “pugutin ang ulo” ng Partido ay ย walang anumang pagpatay, extrajudicial killings, pagdukot, o pag-aresto ang makakapigil sa pamumuno ng Partido sa rebolusyong Pilipino.

Sa katunayan, ani Valbuena, malugod na tinatanggap ng lahat ng rebolusyonaryong puwersa ang mensahe kahapon mula sa Komite Sentral, na nananawagan ng higit na determinasyon sa pagsusulong ng pambansang demokratikong layunin ng mamamayan.

โ€œThe Marcos regime’s national betrayal and complete subservience to US imperialism, alongside rampant corruption, escalating poverty and hunger, and state-sponsored terrorism, make waging revolution even more urgent, just and necessary,โ€ pagtatapos ng opisyal ng CPP. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *