Fri. Jan 10th, 2025

BIGUIN ang all-out war ng gobyernong Marcos Jr.

Ito ang direktiba ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa mga miyembro nito at sa New People’s Army (NPA) sa pagdiriwang ng ika-56 anibersaryo ng partido ngayong araw, Disyembre 26.

Sa isang pahayag, sinabi ng Komite Sentral ng CPP na nakatakdang makabangon ang NPA mula sa mga pagkatalo na dinanas nito sa mga nakaraang taon, na inspirasyon ng nagpapatuloy nitong ikatlong kilusang pagwawasto.

Hinikayat din ng CPP ang mga miyembro nito na “kamtin ang mga bagong tagumpay at isulong ang rebolusyonaryong paglaban ng sambayanang Pilipino.”

Nauna rito, pinabulaanan ng CPP ang sinasabi ng AFP na ang NPA ay isa nang “mahinang prente.”

Bagama’t kinikilala ang “malaking pagkagapi at pagbaligtad sa ilang rehiyon at larangang gerilya,” sinabi ng liderato ng CPP na ang rebolusyonaryong partido ay mabilis na muling nag-organisa at muling nagtalaga alinsunod sa kanilang kilusang pagwawasto at nakakuha ng mga tagumpay sa pagbawi at pagpapalawak ng mga baseng masa nito.

Sinabi ng CPP na ang mga yunit ng gerilya ng NPA ay “malikhain at matalinong nagsasagawa ng flexibility” at nabigo ang karamihan sa diskarte ng kaaway sa unti-unting paghihigpit at patuloy na mga operasyong militar.

Kinilala ng Partido ang patuloy na panloob na kilusan sa pagwawasto para sa kasalukuyang lakas nito sa pag-igpaw sa mga pagkakamali at pagkukulang sa mga nakaraang taon.

“The Party’s rectification movement has inspired the Red fighters of the (NPA) to persevere along the arduous path of the protracted people’s war to rebuild and expand the mass base, defend the people against state terrorism, preserve and strengthen the NPA, and frustrate the enemy’s strategic offensives,”  deklara nito.

Sa tradisyonal na pahayag ng anibersaryo ng pagkakatatag nito, inutusan ng CPP ang NPA na “gumawa ng inisyatiba upang palakasin ang mga taktikal na opensiba, pumili ng mga target na maaari nitong talunin.”

Inatasan din nito ang NPA na palalimin ang ugnayan nito sa masa at “magbigay ng mga serbisyong pang-ekonomiya, kalusugan at edukasyon sa masang magsasaka, habang ginagabayan sila sa paglulunsad ng mga pakikibakang anti-pyudal.”

Nanawagan ang CPP sa mga miyembro na “masigasig na buuin o muling itayo ang lihim na kilusan” dahil ito ang “handang grupo ng mga rekrut ng Partido.”

“The underground movement must be expanded in order to help conceal and secure the leading Party cadres and organizers. At the same time, it must carry out widespread revolutionary propaganda to broadcast the call for people’s war to rouse the people to support and join the (NPA),” sabi nito. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *