Fri. Jan 10th, 2025

πŸ“·Las Pinas City Councilor Mark Anthony Santos

 

Isa na namang video ni Sen. Cynthia Villar ang viral ngayon sa social media na ipinagyabang niya na ipinagkaloob bilang donasyon daw ng kanilang pamilya ang lupa kung saan itatayo ang dalawang station sa Las PiΓ±as ng LRT-1 Cavite Extension project.

Nitong nakaraang linggo, umani ng batikos si Villar sa social matapos ipinagyabang nito na ang limang-ektaryang lupa ay kanyang ipamamahagi sa mga residente ng Sitio Pugad Lawin, Barangay Almanza Dos, Las PiΓ±as.

Base sa mga dokumento, napag-alaman na hindi naman pala pag-aari ng pamilya Aguilar o Villar na inaangking lupa ng senadora, ayon kay incumbent Councilor Mark Anthony Santos.

Sa bagong viral video, sa talumpati ni Villar sa harap ng mga tao sa Barangay Manuyo Uno ipinagmalaki ng senadora na lahat ng dadaanan ng LRT1 extension sa C5 Road Extension sa Las Pinas papuntang Niyog sa Cavite ay β€˜lupa namin’.

β€œDalawang station ng LRT1 extension project ay manggaling sa amin ang lupa. Dahil sa amin makikinabang tayo sa LRT,” paliwanag ng kontrobersyal na senadora.

β€œHindi niyo ba alam na ang lupa ay ibinigay ni dating Senate President Manny Villar ng libre sa LRT management para tayo ay magkaroon ng LRT station sa Las Pinas,” ito ang sinabi ni Villar sa 1:07 minutong video.

Ngunit, sinalungat ni Santos and pahayag ni Villar matapos wala itong mapakitang papel sa mga tao na magpapatunay na ibinigay ng pamilya Villar ang lupa sa C5 Road sa Light Rail Manila Corp. (LMRC), ang kontraktor ng proyekto.

Binuksan na ng LMRC ang first phase ng proyekto noong Nobyembre 2024 mula sa Baclaran hanggang Sucat Road sa Paranaque.

β€œPuro boladas at pang-bubudol sa mga tao ang ginanagawa nitong si Villar. Wala namang pruweba o papeles na inilalabas na hanggang sa ngayon patunay na kanila nga ang mga sinasabing mga lupa,” paliwanag ni Santos.

Ani Santos, hindi nga makapagbayad ng real property tax ang pamilya Villar sa halagang P70 million sa city hall sa nakalipas na 14 na taon tapos ngayon ay mamimigay ng lupa sa mga informal settlers at sa gobyerno.

Dagdag ni Santos, kaya naaantala ang konstruksyon ng tatlong station ng LRT1 extension project papuntang Cavite ay dahil gustong dagdagan ng dalawa pang station na dugtong sa Villar City, na negosyo ng pamilya Villar. #

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *