Thu. Jan 9th, 2025

NAGMATIGAS si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi bigyan ni isang kusing na subsidiya ang PhilHealth habang pinaboran ang paglalaan ng P26-B para sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) program kahit umani ng batikos bilang bagong anyo ng “pork barrel” ng mga mambabatas.

Nilagdaan ni Marcos Jr. ang 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.236 trilyon na nakapaloob sa General Appropriations Act (GAA) kaninang umaga sa isang seremonya sa Malakanyang.

Sinabi ng Pangulo na direkta siyang nag-veto ng mga probisyon na hindi tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan at matiyak na ang pampublikong pondo ay ginagamit sa otorisadong layunin.

Nasa kabuuang P194- billion halaga ng pondo ang hindi niya pinayagan.

Batay sa Konstitusyon, ang edukasyon ang dapat may pinakamataas na pondo,  at sa 2025 budget ay binigyan ito ng P1.053 trilyong pondo, na sinundan ng DPWH na may P1.034-T.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman umabot sa P26 bilyon ang nabawas sa pondo ng DPWH habang nasa P168-B naman ang natapyas sa unprogrammed funds.

Kahit nanatili aniya ang AKAP funds ay  isasailalim ito sa conditional implementation, ibig sabihin, hindi agad ipagkakaloob ang pondo hangga’t walang implementing rules and regulations na babalangkasin ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD), Dept. of Labor and Employment (DOLE) at National Economic and Development Authority (NEDA).

Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na ang mga inalis na mga proyekto ay hindi maikunsidera na nakapaloob sa 8-point agenda ng Marcos administration na.

Nasa P168 bilyon naman ang nabawas sa unprogrammed fundd.

Ipinagtanggol ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang malaking pondo ng Office of the President (OP) dahil humingi sila ng supplemental budget ng mahigit P5 billion dahil nagsisimula na ang paghahanda ng Pilipinas para sa pag- host ng bansa sa 2026 ASEAN Summit. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *