PANGARAP niya noong bata pa na maging presidente ng Pilipinas kaya’t tumakbo ang batang Tondo na si Manny Villar sa 2010 presidential elections sa ilallim ng kanyang sariling partido na Nacionalista Party.
Naging running-mate ni Villar ang sikat na television broadcaster at noon ay senadora na si Loren Legarda.
Laging nangunguna sa mga survey si Villar bago pa man umarangkada ang kampanya.
Matikas at kayang makipagsabayan sa gastusan sa mga katunggali dahil maraming salapi as in limpak-limpak noon at magpa sa hangang ngayon.
Nagsimula na ang bakbakan at ang mga katunggali ni Villar sa pagka-pangulo ay sina si Benigno “Noynoy” Aquino III ng Liberal Party, former President Joseph Estrada (PMP) at si Gilbert Teodoro (Lakas-Kampi).
Kahit saang sulok ng bansa ay nagkalat ang tarpaulin, iba’t ibang campaign materials at television at radio advertisement ni Villar.
Kung inyong maaalala, ang campaign hand-sign ni Villar noong 2010 election ay “check” na kagaya ng logo ng Nike shoes.
Marami ang nag- akala na mamumudmod si Villar ng ‘check’ na may nakalakip na halaga bilang ‘pakisuyo’ sa mga botante upang masungkit ang trono sa Palasyo.
Kalaunan, nabansagan tuloy ang bilyonaryong kandidato na ‘Money’.
Ika nga , na ‘Wow Mali’ ang political strategists ni Villar.
Nang masawi si dating Pangulong Cory Aquino noong Agosto 1, 2009, kitang-kita naman na nabuhay ang simpatya ng publiko sa mga Aquino kaya nga napilitan si noo’y Sen. Noynoy na tanggapin ang hamon na maging presidential bet ng Liberal Party at pumayag si Mar Roxas na maging vice presidential bet niya sa halip na maging standard bearer ng partido.
Ang resulta, poor third lang ang pobreng batang Tondo sa official tally ng Comelec for president noong 2010.
Nilampaso si Villar ni PNoy at maging ang ousted president at convicted plunderer na si Erap ay tinalo pa siya at pumangalawa sa presidential elections.
Wala palang bisa ang ‘check’ campaign hand sign ng bilyonaryong kandidato kaya’t sa 2025 midterm elections ay letter ‘C’ naman ang senyas ng mga kandidato ng Tropang Villar sa Las Pinas at mga kasamahan sa Nacionalista Party sa pangunguna ng ‘Donyang Senadora’ na si Cynthia Villar.
Pina-uso nila ang letter ‘C’ hand-sgn bago pa man sila maghain ng kanilang certificate of candidacy noong Oktubre 2024.
Likas na matalino at witty ang mga Pinoy, lalo na ang mga residente ng Las Pinas, binigyan agad ng kahulugan ang letter ‘C’ hand sign ni Aling Cynthia at ng pamangklin niyang si Carlo Aguilar, na tumatakbo bilang alkalde ng siyudad.
Ayon daw sa mga ‘nakikinabang at mga sipsip’ sa mga Villar sa lungsod, ang ibig daw sabihin ng letter ‘C’ ay ‘CASH as in KWARTA’.
Dagdag pa ng mga follower ng Balitang Las Pinas, yung ‘check’ daw ni Manny Villar na hindi nagamit dahil natalo noong 2010 presidential elections, ay pinapalitan at naging ‘COLD Cash’ na raw ngayon para magamit ni Aling Cynthia at ng anak na si Camille sa May 2025 midterm elections.
Birong tanong nila, “Alam niyo ba kung saan pinapalit yung ‘check’ ni Manny? Pinapalitan ang check mismo sa sariling bangko ng pamilya Villar na ALLBank sa Mandaluyong City.”
Dahil ‘bilyon’ ang halaga ng ‘check’ ng dating senate president, malaki na ang nababawas dito sanhi nang umaabot na sa lagpas P1 bilyon ang nauubos ni Rep. Camille sa kanyang mga advertisement spots sa telebisyon at radio para lang manalo sa Mayo.
Noong Disyembre 2024 palang, si Rep. Villar na ang nangungunang gumastos sa Facebook, ang pinakasikat na social media platform sa bansa. Nagtala siya ng pagbabayad sa Meta ng P13 milyon para mapataas ang kanyang mga post.
Kumurot din si Aling Cynthia ng P2.6 million cash para naman sa kanyang mga newspaper advertisement mula January hanggang September noong 2024 o bago pa siya maghain ng kanyang certificate of candidacy noong Oktubre 2024.
Pero kahit nga daw bilyon ang perang inuubos ng pamilya Villar tuwing halalan, ngayong May 2025 elections, ang tanong ay kaya pa bang bolahin at utuin ang mga botante sa bansa na mulat na sa katotohanan kung paano ginagamit ng political dynasties ang mga mahihirap upang mapangalagaan ang kanilang pansariling interes sa politika at negosyo.
Dagdag pa ang viral videos na napanood ng buong bansa sa mga inasta ni Aling Cynthia sa iba’t ibang pagkakataon, pati ang ang hindi pagbabayad ng kanilang pamilya ng milyun-milyong piso sa amilyar sa city hall at ang pinupukol na akusasyon na sangkot sila sa land grabbing.
Nabisto rin na ‘boladas’ lang pala ni Aling Cynthia ang pangako na mamimigay ng lupa sa Sitio Pugad Lawin na hindi naman pala nila pagmamay-ari.
Matindi, masasakit at walang preno na ngayon ang mga komento ng netizen sa social media laban sa mga Villar, tulad ng : “Tama, dapat ay may pagbabago! Dapat wala ng Villar sa Kongreso at Senado dahil AllDay nilang niloloko ang mga tao.”
“Hoy mga Villar, hindi na kayo bago, sobra na kayong luma. Dynasty family na kayo tulad ng mga Marcos at Revilla,” ayon kay senatorial candidate na si Atty. Luke Espiritu.
‘Bagong boses ba? Hindi kailangan ng bago! Dapat pagbabago at hindi pang-gagago, komento naman ng isang taga-BF Resort Village sa Las Pinas. “Kung bagong boses talaga si Camille, itatakwil nya ang nanay niyang si Cynthia.”
“Kung may malasakit pa tayo sa bansa natin kahit konting katiting, huwag na tayong bumoto sa mga katulad ng Villar parang awa niyo na,” sigaw ng mga taga-Barangay Pamplona. (ZIA LUNA)