Sun. Oct 6th, 2024
Sarah Lahbati

NAAKSIDENTE ang pamilya ni Sarah Lahbati sa Skyway nguit walang nasaktan sa kanila

Inilahad ito ng aktres sa kanyang broadcast channel, ‘Good Vibes Only’ sa Instagram.

“We were involved in an accident on the skyway,” lahad ni Sarah sa kanyang followers dakong alas-dos ng madaling araw.

“Fortunately, all three cars involved avoided any casualties, and we are all okay.”

“I’m sharing this story because this year has been the toughest of my life,” aniya, “yet I am reminded of God’s goodness, His second chances, and His promises.”

“Things could have been much worse, yet my family and I are alive and well,” dagdag niya.

Para kay Sarah, binigyan sila ng second chance ng Panginoon.

“Just when you think everything you worry about should be the center of the world, you’re reminded of God’s lessons, promises, and the bigger picture,” she said. “All you have to do is take a step back and let Him guide you.”

“La vie est belle,” ayon sa aktres, isang French expression na “life is beautiful.”

“Life goes on,” sabi pa niya.

Ilang lingo nang kumakalat ang isyu ng hiwalayn nila ng esposong si Richard Gutierrez matapos mapansin ng netizens na hindi na sila magkasama sa mga ipinaskil na mga larawan sa kanya-kanyang social media page.

Lalong tumingkad ang usapin sa tila pagpaparinigan ng kani-kanilang pamilya, lalo nan ang aminin ni Annabelle Rama na isang buwan na sa kanilang poder si Richard kasabay ng pahayag na subsob sa trabaho ang kanyang anak pero nagwawaldas lamang umano si Sarah.

Ang ama naman ni Sarah ay nag-post ng larawan ng kanilang pamilya kasama ang mga apo na may caption “do not mind dogs barking.”

Walang statement hinggil sa estado ng kanilang relasyon ang mag-asawang Sarah at Richard. (ZIA LUNA)(Larawan mula sa @sarahlahbati Instagram)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *