NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang isang batas ang “Philippine Salt Industry Development Act,” na may layunin pasiglahin at patatagin ang industriya ng asin sa Pilipinas bilang bahagi ng pagsusumikap ng administrasyon na paunlarin at dagdagan ang sahod sa kanayunan.
Para kay Sen. Cynthia Villar,principal sponsor ng batas. nagkaroon ng bagong buhay ang naghihingalong salt industry nang lagdaan ni Marcos Jr. ang Republic Act No 11985 (An Act Strengthening and Revitalizing the Salt Industry in the Philippines, Appropriating Funds Thereof.”
Ipinunto ng Chairperson ng Committee on Agriculture and Food na matutugunan ng batas ang pagpapalawak sa kasalukuyang salt farms o asinan na nakatuon lamang sa Pangasinan at Mindoro at makagagawa na rin ng asin ang mga naninirahan sa coastal communities.
Sinabi ni Villar na kailangan matugunan ang tumataas na demand ng Filipino household at ang karagdagang taunang demand na 300,000 metric tons ng asin bilang coconut fertilizer sa ilalim ng 2021 Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act.
Dismayado nanan si Villar na ang salt production sa bansa ay 16.782 percent o 114,000 metric tons ng 683,000 metric tons sa annual demand.
Sa ilalim ng bagong batas, gagawa ng Philippine Salt Industry Development Roadmap na kabibilangan ng mga programa, proyekto at interventions sa development at management, research, processing, utilization, modernization, at commercialization ng Philippine salt.
Bubuo rin ng 16-member Philippine Salt Industry Development Council na pamumunuan ng Department of Agriculture (DA) Secretary.
Ibibigay sa salt industry ang makokolektang taripa mula sa imported salt sa pagbuo ng Salt Industry Development and Competitiveness Enhancement Fund (SIDCEF).
Sa ilalim din ng bagong batas, tinukoy ni Villar na nagiging optional na lamang ang iodization ng asin na hindi ‘for human consumption’ o local food production gayundin ang artisanal salt.
Kailangang tumupad sa iodization standards ng Department of Health ang importers, traders at distributors ng imported food-grade salt na isasailalim sa fortification. (NINO ACLAN)